Add parallel Print Page Options

17 At nangyari, na, nang ako'y (A)makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay (B)nawalan ako ng diwa,

18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.

19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo:

20 At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at (C)sinasangayunan ko, at (D)iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay.

Read full chapter