Book of Common Prayer
Salmo ng mga anak ni Core; Awit.
87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
2 Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
3 Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
4 Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
5 Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
6 Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
7 Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.
IKAAPAT NA AKLAT
Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.
90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
2 (C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
4 (E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
5 Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
6 (H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
7 Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit,
At sa iyong poot ay nangabagabag kami.
8 (I)Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo,
(J)Ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
9 Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot:
Aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
10 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit,
At ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
12 (K)Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan,
Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
13 (L)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (M)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (N)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (O)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (P)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.
136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Sa kaniya na (C)gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (D)Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
6 (E)Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
7 (F)Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8 Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 (G)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (H)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (I)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (J)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (K)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (L)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (M)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (N)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (O)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (P)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (Q)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (R)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (S)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 (T)Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
22 At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon.
23 (A)At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay (B)naglilo kay Abimelech.
24 (C)Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid.
25 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.
50 Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop.
51 Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at (A)sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
52 At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
53 (B)At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na (C)bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.
54 Nang magkagayo'y (D)tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.
55 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.
56 (E)Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid:
57 At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang (F)sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.
32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (A)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.
33 At (B)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (C)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.
34 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: (D)palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili,
35 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: (E)at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.
36 At si Jose, na pinamagatang (F)Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre,
37 Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
5 Datapuwa't isang lalake na tinatawag na Ananias, na kasama ng kaniyang asawang si Safira, ay nagbili ng isang pagaari,
2 At inilingid ang isang bahagi ng halaga, na nalalaman din ito ng kaniyang asawa, (G)at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.
3 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa?
4 Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios.
5 At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: (H)at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.
6 At nagsitindig ang mga kabinataan at (I)siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing.
7 At may tatlong oras ang nakaraan, nang ang kaniyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok.
8 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa. At sinabi niya, Oo, sa gayon.
9 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas.
10 At pagdaka'y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at siya'y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa.
11 At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito.
13 At malapit na ang paskua (A)ng mga Judio, at (B)umahon si Jesus sa Jerusalem.
14 At nasumpungan niya sa templo (C)yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo:
15 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang;
16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng (D)aking Ama na bahay-kalakal.
17 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako (E)ng sikap sa iyong bahay.
18 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, (F)Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?
19 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (G)Igiba ninyo ang templong ito, at aking (H)itatayo sa tatlong araw.
20 Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?
21 Datapuwa't sinasalita niya (I)ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.
22 Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng (J)kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa (K)kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus.
23 Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita (L)ng kaniyang mga tandang ginawa.
24 Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao,
25 Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga (M)niya ang isinasaloob ng tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978