Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
Pananakot ni Jezabel.
19 At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias, at kung paanong (A)kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta.
2 Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, (B)Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.
3 At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa (C)Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon.
4 Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon (D)kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.
5 At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain.
6 At siya'y tumingin, at, narito, na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga, at isang sarong tubig. At siya'y kumain at uminom, at nahiga uli.
7 At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka't ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo.
8 At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na (E)apat na pung araw at (F)apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios.
Ang tinig ng Panginoon.
9 At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias?
10 At sinabi niya, Ako'y naging totoong (G)marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at (H)pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: (I)at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin.
11 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka (J)sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, (K)at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol:
12 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay (L)isang marahang bulong na tinig.
3 Pinasisimulan baga naming (A)muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya (B)ng iba, ng mga (C)sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2 Kayo ay ang aming sulat, (D)na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi (E)sa mga tapyas ng bato, kundi (F)sa mga tapyas ng pusong laman.
4 At ang gayong (G)pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
5 Hindi sa kami ay (H)sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang (I)aming kasapatan ay mula sa Dios;
6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga (J)ministro (K)ng bagong (L)tipan; hindi (M)ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't (N)ang titik ay pumapatay, (O)datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 Nguni't kung (P)ang pangangasiwa ng kamatayan, (Q)na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, (R)ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi (S)makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:
8 Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?
9 Sapagka't kung (T)ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian (U)ang pangasiwang ukol sa katuwiran.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978