Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 83

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
(E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Mga Awit 145

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Mga Awit 85-86

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (O)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (P)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(Q)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(R)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (S)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(T)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(U)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (V)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(W)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(X)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (Y)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (Z)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (AA)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (AB)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (AC)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (AD)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (AE)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (AF)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Mga Hukom 8:22-35

22 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon, Magpuno ka sa amin ngayon, ikaw at ang iyong anak, sapagka't iniligtas mo kami sa kamay ng Madian.

23 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hindi ako magpupuno sa inyo, o magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang (A)Panginoon ang magpupuno sa inyo.

24 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa (B)sila'y mga Ismaelita.)

25 At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam.

26 At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga (C)damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga (D)tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.

27 At (E)ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa (F)Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa (G)kaniya roon: at siyang naging (H)ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan.

28 Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel, at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo. (I)At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon.

29 At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay.

30 At nagkaroon si Gedeon ng (J)pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang: sapagka't siya'y mayroong maraming asawa.

31 (K)At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake, at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech.

32 At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama, (L)sa Ophra ng mga Abiezerita.

33 At (M)nangyari, pagkamatay ni Gedeon, na ang mga anak ni Israel ay bumalik at (N)sumamba sa mga Baal, (O)at ginawang kanilang dios ang Baal-berith.

34 At hindi (P)naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot:

35 (Q)O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel.

Mga Gawa 4:1-12

At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang (A)puno sa templo, at ang mga Saduceo,

Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (B)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (C)pagkabuhay na maguli sa mga patay.

At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.

Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (D)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.

At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;

At si Anas, na (E)dakilang saserdote, at (F)si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.

At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?

Nang magkagayo'y si Pedro, na (G)puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,

Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;

10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, (H)na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, (I)na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.

11 Siya ang bato na itinakuwil (J)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.

12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Juan 1:43-51

43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.

44 Si (A)Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro.

45 Nasumpungan ni Felipe si (B)Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni (C)Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na (D)taga Nazaret, (E)ang anak ni Jose.

46 At sinabi sa kaniya ni Natanael, (F)Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo.

47 Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya, at sinabi ang tungkol sa kaniya, Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya'y walang daya!

48 Sinabi sa kaniya ni Natanael, Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.

49 Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, (G)ikaw ang Anak ng Dios; ikaw (H)ang Hari ng Israel.

50 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.

51 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (I)Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan (J)ng Anak ng tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978