Book of Common Prayer
Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 (D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.
132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
2 Kung paanong (E)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (F)Makapangyarihan ni Jacob:
3 Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
4 (G)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
5 (H)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
6 Narito, (I)narinig namin (J)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
7 Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
8 (K)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
9 (L)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (M)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(N)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (O)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (P)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (Q)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (R)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.
Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (S)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
2 Parang (T)mahalagang langis (U)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
3 Gaya ng hamog sa (V)Hermon,
Na tumutulo sa mga (W)bundok ng Sion:
Sapagka't (X)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.
134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(Y)Ninyong (Z)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2 (AA)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
3 (AB)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.
Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.
135 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
(AC)Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
2 Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa (AD)mga looban ng bahay ng ating Dios.
3 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; (AE)sapagka't maligaya.
4 Sapagka't pinili ng (AF)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (AG)kayamanan.
5 Sapagka't nalalaman ko (AH)na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
6 Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
7 Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin (AI)mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
8 Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
9 (AJ)Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 (AK)Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay (AL)Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At (AM)sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, (AN)Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (AO)magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 (AP)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 (AQ)Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
(AR)Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga panangis ni David.
19 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.
2 At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.
3 (A)At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.
4 At (B)tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!
5 At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;
6 Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.
7 Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.
8 Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. (C)Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda.
9 At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo; at ngayo'y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain.
10 At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari?
Pinabalik si David.
11 At nagsugo ang haring si David kay (D)Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.
12 Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y (E)aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari?
13 (F)At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? (G)Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging (H)punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab.
14 At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda (I)na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod.
15 Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa (J)Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan.
16 At si (K)Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga (L)Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David.
17 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si (M)Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.
18 At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.
19 At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang (N)isapuso ng hari.
20 Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng (O)sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari.
21 Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang (P)isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon?
22 At sinabi ni David, (Q)Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? (R)may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?
23 At (S)sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya.
24 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si (A)Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo.
2 At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi,
Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan,
3 Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat.
4 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.
5 Sapagka't nangasumpungan namin (B)ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:
6 Na kaniya (C)rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:[a](D)(E)
8 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.
9 At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.
10 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,
Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:
11 Sapagka't napagtatalastas mo na (F)wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:
12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (G)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.
13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon (H)ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.
16 Na dahil nga rito'y lagi rin (I)akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.
17 At nang makaraan nga (J)ang ilang mga taon ay (K)naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:
18 Na ganito nila ako nasumpungang (L)pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—
19 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.
20 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila (M)nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,
21 Maliban na sa isang tinig na ito na (N)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.
22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (O)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (P)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.
23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (Q)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.
28 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?
29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, (A)Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
30 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
31 Ang pangalawa ay ito, (B)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.
32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; (C)at wala nang iba liban sa kaniya:
33 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, (D)ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.
34 At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. (E)At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978