Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 26

Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.

26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
(D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
(E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
(F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Mga Awit 28

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Mga Awit 36

Kasalanan ng tao at ang pagibig ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni (A)David na lingkod ng Panginoon.

36 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
(B)Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
(C)Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata,
Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan:
(D)Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
Siya'y kumakatha ng (E)kasamaan sa kaniyang higaan;
Siya'y lumagay (F)sa isang daan na hindi mabuti;
Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
Ang iyong kagandahang-loob, (G)Oh Panginoon, ay nasa mga langit:
Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
(H)Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios:
Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman:
Oh Panginoon, iyong iniingatan (I)ang tao at hayop.
(J)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (K)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng (L)iyong bahay;
At iyong paiinumin sila (M)sa (N)ilog (O)ng iyong kaluguran.
(P)Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay:
(Q)Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa (R)kanila na nangakakakilala sa iyo:
At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan,
At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan:
Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.

Mga Awit 39

Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.

39 Aking sinabi, (A)Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
(B)Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
Ang aking puso ay (C)mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
Panginoon, (D)ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang (E)aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang (F)walang kabuluhan. (Selah)
Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(G)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(H)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(I)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(J)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
(K)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (L)ikaw ang gumawa.
10 (M)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
(N)Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(O)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(P)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (Q)gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 (R)Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.

1 Mga Hari 8:65-9:9

65 Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon (A)at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath (B)hanggang sa batis ng Egipto (C)sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, (D)at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw.

66 Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: (E)at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga (F)tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan.

Ang tipan ng Panginoon kay Salomon.

At nangyari, nang matapos ni (G)Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, (H)at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.

Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa (I)Gabaon.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan (J)doon magpakailan man; at ang aking mga mata (K)at ang aking puso ay doroong palagi.

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama (L)sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:

Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, (M)na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod (N)sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:

Akin ngang ihihiwalay ang Israel (O)sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, (P)ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng (Q)lahat ng bayan:

At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa (R)bahay na ito?

At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.

Santiago 2:14-26

14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?

15 Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,

16 At (A)ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?

17 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking (B)pananampalataya.

19 (C)Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: (D)ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.

20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na (E)walang mga gawa ay baog?

21 Hindi baga ang ating amang si (F)Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?

22 Nakikita mo (G)na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;

23 At natupad (H)ang kasulatan na nagsasabi, At si (I)Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na (J)kaibigan ng Dios.

24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

25 At gayon din naman hindi rin baga si (K)Rahab na patutot ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa tinanggap niya ang mga sugo, at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan?

26 Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Marcos 14:66-72

66 At samantalang nasa ibaba si Pedro, (A)sa looban, ay lumapit (B)ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote;

67 At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit, ay tinitigan niya siya, at sinabi, Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno, na si Jesus.

68 Datapuwa't siya'y kumaila, na sinasabi, Hindi ko nalalaman, ni nauunawa man ang sinasabi mo: at lumabas siya sa portiko; at (C)tumilaok ang manok.

69 At nakita siya ng alilang babae, at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon, Ito ay isa sa kanila.

70 Datapuwa't muling ikinaila niya. At hindi nalaon, at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro. Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila; (D)sapagka't ikaw ay Galileo.

71 Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi.

72 At pagdaka, bilang (E)pangalawa'y tumilaok ang manok. At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. At nang maisip niya ito, ay tumangis siya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978