Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Isang Awit ng Kagalakan
14 Umawit ka nang malakas, O anak na babae ng Zion;
Sumigaw ka, O Israel!
Ikaw ay matuwa at magalak nang buong puso,
O anak na babae ng Jerusalem!
15 Inalis ng Panginoon ang mga hatol laban sa iyo,
kanyang iwinaksi ang iyong mga kaaway.
Ang Hari ng Israel, ang Panginoon, ay nasa gitna mo;
hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.
16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem;
“Huwag kang matakot;
O Zion, huwag manghina ang iyong mga kamay.
17 Ang Panginoon mong Diyos ay nasa gitna mo,
isang mandirigma na nagbibigay ng tagumpay;
siya'y magagalak sa iyo na may kagalakan;
siya'y tatahimik sa kanyang pag-ibig;
siya'y magagalak sa iyo na may malakas na awitan,
18 aking pipisanin ang namamanglaw dahil sa
takdang kapistahan.[a]
“Sila'y nagmula sa iyo, aalisin ang kakutyaan sa kanya.
19 Narito, sa panahong iyon ay aking parurusahan ang lahat ng mga umaapi sa iyo.
At aking ililigtas ang pilay at titipunin ang pinalayas;
at aking papalitan ng kapurihan ang kanilang kahihiyan,
at kabantugan sa buong daigdig.
20 Sa panahong iyon kayo'y aking ipapasok,
sa panahon na kayo'y aking tinitipon;
oo, aking gagawin kayong bantog at pinupuri
ng lahat ng mga bayan sa daigdig,
kapag ibinalik ko ang inyong mga kapalaran
sa harapan ng inyong paningin,” sabi ng Panginoon.
2 “Ang(A) Diyos ay aking kaligtasan;
ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
at siya'y naging aking kaligtasan.”
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,
“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.
5 “Umawit kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y gumawang may kaluwalhatian,
ipaalam ito sa buong lupa.
6 Sumigaw ka at umawit nang malakas, ikaw na naninirahan sa Zion,
sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa gitna mo.”
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon; muli kong sasabihin, Magalak kayo.
5 Malaman nawa ng lahat ng mga tao ang inyong kahinahunan. Ang Panginoon ay malapit na.
6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos.
7 At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus.
7 Kaya't(A) sinabi ni Juan[a] sa napakaraming tao na dumating upang magpabautismo sa kanya, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na darating?
8 Kaya't(B) mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi at huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, ‘Si Abraham ang aming ama.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na magagawa ng Diyos na magbangon mula sa mga batong ito ng magiging anak ni Abraham.
9 Ngayon(C) pa lamang ay nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punungkahoy. Kaya't ang bawat punungkahoy na di mabuti ang bunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy.”
10 Tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang dapat naming gawin?”
11 Sumagot siya sa kanila, “Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala, at ang may pagkain ay gayundin ang gawin.”
12 Dumating(D) din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo at sinabi nila sa kanya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”
13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag na kayong sumingil pa ng higit kaysa iniutos sa inyo.”
14 Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami, anong dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ng salapi kaninuman sa pamamagitan ng dahas o maling paratang at masiyahan kayo sa inyong sahod.”
15 Samantalang ang mga tao'y naghihintay, nagtatanong ang lahat sa kanilang mga puso tungkol kay Juan, kung siya ang Cristo.
16 Sumagot si Juan at sinabi sa kanilang lahat, “Binabautismuhan ko kayo ng tubig. Subalit dumarating ang higit na makapangyarihan kaysa akin. Ako'y hindi karapat-dapat magkalag ng panali ng kanyang mga sandalyas. Kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy.
17 Nasa kamay niya ang kanyang kalaykay upang linisin ang kanyang giikan at tipunin ang trigo sa kanyang kamalig, subalit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.”
18 Kaya't sa iba pang maraming pangaral ay ipinahayag niya sa mga tao ang magandang balita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001