Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 3

Awit(A) ni David nang Takasan Niya si Absalom

Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
    Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
    walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)

Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
    aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
    at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)

Ako'y nahiga at natulog;
    ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
    na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
Bumangon ka, O Panginoon!
    Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
    iyong binasag ang mga ngipin ng masama.

Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
    sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

1 Samuel 3:19-4:2

19 Lumaki si Samuel at ang Panginoon ay kasama niya, at hindi pinahintulutang ang alinman sa kanyang mga salita ay malaglag sa lupa.

20 Nalaman ng buong Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay itinatag bilang isang propeta ng Panginoon.

21 Nagpakitang muli ang Panginoon sa Shilo, sapagkat ipinakilala ng Panginoon ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.

Ang Pagkabihag sa Kaban ng Tipan

Ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel. Ngayo'y lumabas ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Sila'y humimpil sa Ebenezer, at ang mga Filisteo ay humimpil sa Afec.

Ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel, at nang sila'y magsagupa, ang Israel ay nagapi ng mga Filisteo na pumatay ng halos apat na libong katao sa larangan ng digmaan.

Mga Hebreo 10:26-31

26 Sapagkat kung sinasadya nating magkasala, matapos nating tanggapin ang lubos na pagkakilala sa katotohanan, ay wala ng natitira pang alay para sa mga kasalanan,

27 kundi(A) isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway.

28 Ang(B) sumuway sa kautusan ni Moises, sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang namamatay.

29 Gaano(C) pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa kanila na yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kanila, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?

30 Sapagkat(D) kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” At muli, “Huhukuman ng Panginoon ang kanyang bayan.”

31 Isang kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buháy.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001