Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Punong Mang-aawit: ayon kay Jedutun. Salmo ni Asaf.
77 Ang aking tinig ay papailanglang sa Diyos,
at ako'y dadaing ng malakas;
ang aking tinig ay papailanglang sa Diyos,
at papakinggan niya ako.
2 Hinahanap ko ang Panginoon sa araw ng aking kaguluhan;
sa gabi'y nakaunat ang aking kamay, at hindi nangangalay;
ang kaluluwa ko'y tumatangging mabigyang kaaliwan.
3 Naaalala ko ang Diyos, at ako'y nababalisa;
nang ako'y nagdaramdam, ang diwa ko'y nanlulupaypay. (Selah)
4 Pinigilan mong magsara ang talukap ng aking mga mata,
ako'y totoong naguguluhan at hindi ako makapagsalita.
5 Ginugunita ko ang mga unang araw,
ang mga taóng nagdaan.
6 Sa gabi'y nakikipag-usap ako sa aking puso;
ako'y magbubulay-bulay sa aking puso at ang aking diwa ay magsisiyasat.
7 “Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailanman?
At hindi na ba muling masisiyahan?
8 Ang kanya bang tapat na pag-ibig ay huminto na magpakailanman?
Ang kanya bang mga pangako sa lahat ng panahon ay nawakasan?
9 Nakalimot na ba ang Diyos na maging mapagbiyaya?
Sa kanya bang galit ay isinara niya ang kanyang awa? (Selah)
10 At aking sinabi, “Ipinaghihinagpis ko
na ang kanang kamay ng Kataas-taasan ay nagbago.”
11 Aking gugunitain ang mga gawa ng Panginoon;
oo, aking aalalahanin ang mga kahanga-hangang gawa mo noong unang panahon.
12 Ako'y magbubulay-bulay sa lahat mong mga gawa,
at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13 Ang iyong daan, O Diyos, ay banal.
Sinong diyos ang dakila na gaya ng aming Diyos?
14 Ikaw ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan,
na nagpahayag ng iyong kalakasan sa gitna ng mga bayan.
15 Tinubos mo ng iyong kamay ang iyong bayan,
ang mga anak ni Jacob at ni Jose. (Selah)
16 Nang makita ka ng tubig, O Diyos;
nang makita ka ng tubig, sila'y natakot:
oo, ang kalaliman ay nanginig.
17 Ang alapaap ay nagbuhos ng tubig;
nagpakulog ang himpapawid,
ang mga palaso mo ay humagibis sa bawat panig.
18 Ang tunog ng iyong kulog ay nasa ipu-ipo;
pinagliwanag ng mga kidlat ang daigdig;
ang lupa ay nanginig at nayanig.
19 Ang daan mo'y nasa dagat,
ang landas mo'y nasa malalaking tubig;
gayunman ang bakas mo'y hindi nakita.
20 Iyong pinatnubayan ang iyong bayan na parang kawan
sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
9 “Iyong(A) nakita ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Ehipto, at iyong pinakinggan ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Pula.
10 Nagpakita(B) ka ng mga tanda at mga kababalaghan laban kay Faraon at sa lahat niyang mga lingkod at sa lahat ng mga tao ng kanyang lupain, sapagkat iyong nalaman na sila'y gumawa na may kapalaluan laban sa aming mga ninuno at ikaw ay gumawa para sa iyo ng pangalan na nananatili hanggang sa araw na ito.
11 Iyong(C) hinawi ang dagat sa harapan nila, kaya't sila'y dumaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa. Ang mga humahabol sa kanila ay iyong itinapon sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.
12 Sa(D) pamamagitan ng isang haliging ulap ay pinatnubayan mo sila sa araw, at sa pamamagitan ng isang haliging apoy sa gabi upang tumanglaw sa kanila sa daan na kanilang dapat lakaran.
13 Ikaw(E) ay bumaba sa bundok ng Sinai at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na batas at mga tunay na kautusan, mabuting mga tuntunin at mga utos.
14 Ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na Sabbath, at nag-utos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga tuntunin at ng kautusan sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
15 Binigyan(F) mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang pagkagutom at nagpalabas ka ng tubig para sa kanila mula sa malaking bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumasok upang angkinin ang lupain na iyong ipinangakong ibibigay sa kanila.
Huwag Maging Dahilan ng Pagkakasala ng Iyong Kapatid
13 Huwag na tayong humatol pa sa isa't isa; kundi ipasiya na huwag maglagay ng batong katitisuran o ng balakid sa daan ng kanyang kapatid.
14 Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos sa Panginoong Jesus na walang anumang bagay na marumi sa kanyang sarili, maliban doon sa nagpapalagay na ang isang bagay ay marumi, sa kanya ito ay marumi.
15 Kung dahil sa pagkain ay nasasaktan ang kalooban ng iyong kapatid, hindi ka na lumalakad ayon sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak dahil sa iyong pagkain ang mga taong alang-alang sa kanila ay namatay si Cristo.
16 Huwag nga ninyong hayaan na ang inyong kabutihan ay masabing masama.
17 Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi ang pagiging matuwid, kapayapaan, at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
18 Sapagkat ang naglilingkod nang ganito kay Cristo ay kalugud-lugod sa Diyos, at tinatanggap ng mga tao.
19 Kaya nga sundin natin ang mga bagay na magbubunga ng kapayapaan, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.
20 Huwag mong wasakin ang gawa ng Diyos dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayunman ay masama para sa iyo na sa pamamagitan ng iyong kinakain ay matisod ang iba.
21 Mabuti ang hindi kumain ng karne, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anuman na ikatitisod ng iyong kapatid.
22 Ang paniniwalang nasa iyo ay taglayin mo sa iyong sarili sa harapan ng Diyos. Mapalad ang hindi humahatol sa kanyang sarili dahil sa bagay na kanyang sinasang-ayunan.
23 Ngunit ang nag-aalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagkat hindi batay sa pananampalataya; at ang anumang hindi batay sa pananampalataya[a] ay kasalanan.
Bigyang-lugod ang Kapwa, Huwag ang Sarili
15 Kaya't tayong malalakas ay nararapat magtiis sa kahinaan ng mahihina, at hindi upang magbigay-lugod sa ating mga sarili.
2 Bawat isa sa atin ay magbigay-lugod sa kanyang kapwa para sa kanyang kabutihan, tungo sa ikatitibay niya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001