Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 8

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

Exodo 2:11-15

Pumatay ng taga Egipto at lumayas.

11 At nangyari nang mga araw na yaon, ng malaki na si Moises, na kaniyang (A)nilabas ang kaniyang mga kapatid, at minasdan ang atang sa kanila: at kaniyang (B)nakita ang isang Egipcio, na nananakit ng isang Hebreo, na isa sa kaniyang mga kapatid.

12 At siya'y nagmasid sa magkabikabilang dako, at nang siya'y walang makitang tao, ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan.

13 (C)At siya'y lumabas ng ikalawang araw, at, narito, na may dalawang lalaking Hebreo, na nagbababag: at kaniyang sinabi roon sa umaapi, Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?

14 At sinabi niya, Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio? At natakot si Moises, at nagsabi, Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag.

15 Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito, ay minithi niyang patayin si Moises. Datapuwa't si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon, at tumahan sa lupain ng Madian: (D)at siya'y umupo sa tabi ng isang balon.

Roma 11:33-36

33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol (A)niya, at (B)hindi malirip na kaniyang mga daan!

34 Sapagka't (C)sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?

35 O (D)sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?

36 Sapagka't (E)kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. (F)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978