Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 105:1-6

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.

Mga Awit 105:16-22

16 (A)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (B)tukod ng tinapay.
17 (C)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(D)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (E)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (F)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (G)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (H)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (I)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.

Mga Awit 105:45

45 (A)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Genesis 35:22-29

Ang kaniyang mga anak.

22 (A)At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel.

Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.

23 Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si (B)Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.

24 Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:

25 At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:

26 At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.

27 At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa (C)Mamre, sa (D)Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac.

Kamatayan ni Isaac.

28 At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.

29 At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at (E)siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: (F)at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.

Mga Gawa 17:10-15

10 At pagdaka'y (A)pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio.

11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.

12 Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega (B)na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake, ay hindi kakaunti.

13 Datapuwa't nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios, ay nagsiparoon din naman, na ginulo at binagabag ang mga karamihan.

14 At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon (C)ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si (D)Timoteo.

15 Datapuwa't silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay (E)dinala siya hanggang sa Atenas: at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya, ay nagsialis sila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978