Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 130

Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

130 Mula sa (A)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
Kung ikaw, Panginoon, (B)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (C)tatayo?
Nguni't may (D)kapatawarang taglay ka,
(E)Upang ikaw ay katakutan.
(F)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (G)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
Hinihintay ng (H)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
Oh Israel, (I)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
(J)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.

Genesis 44

Umalis sila na dala ang kaniyang saro; at pinabalik.

44 At kaniyang iniutos sa (A)katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, (B)Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong.

At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose.

At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.

Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?

Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang (C)ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.

At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito.

At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay.

Narito, (D)ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto?

Yaong (E)kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.

10 At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala.

11 Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong.

12 At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.

13 Nang magkagayo'y kanilang (F)hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan.

14 At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, (G)at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

15 At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?

16 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang (H)kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, (I)kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.

17 At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.

Ang pamamagitan ni Juda dahil kay Benjamin.

18 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh (J)panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, (K)at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay (L)parang si Faraon.

19 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?

20 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, (M)at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, (N)Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

22 At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay (O)mamamatay ang ama niya.

23 At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, (P)Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.

24 At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.

25 (Q)At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.

26 At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.

27 At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng (R)dalawang lalake:

28 At ang isa'y umalis sa akin, (S)at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.

29 (T)At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may (U)mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan.

30 Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; (V)sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;

31 Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama.

32 Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: (W)Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.

33 Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.

34 Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

Roma 11:13-29

13 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y (A)ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;

14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at (B)maligtas ang ilan sa kanila.

15 Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?

16 At kung ang (C)pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.

17 Datapuwa't kung (D)ang ilang mga sanga'y nangabali, (E)at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;

18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.

19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.

20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at (F)sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:

21 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.

22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay (G)ikaw man ay puputulin.

23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.

24 Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?

25 Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa (H)inyong sariling mga haka, na ang (I)katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, (J)hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;

26 At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat,

(K)Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas;
Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27 At ito ang aking tipan sa kanila,
Pagka (L)aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.

28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga (M)pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.

29 Sapagka't (N)ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978