Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 17:1-7

Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.

17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
(E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
(F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.

Mga Awit 17:15

15 (A)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(B)Ako'y masisiyahan (C)pagka bumangon sa iyong wangis.

Genesis 32:3-21

Ang takot ni Jacob kay Esau.

At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau, na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir, na (A)parang ng Edom.

At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau, Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako'y natira roon hanggang ngayon.

At mayroon akong mga baka, at mga asno, at mga kawan, at mga aliping lalake at babae: at ako'y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon, (B)upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.

At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob, na nagsipagsabi, Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau, (C)at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo, at apat na raang tao ang kasama niya.

Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at (D)nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong.

At kaniyang sinabi, Kung dumating si Esau sa isang pulutong, at kaniyang saktan, ang pulutong ngang natitira ay tatanan.

(E)At sinabi ni Jacob, Oh (F)Dios ng aking amang si Abraham, at Dios ng aking amang si Isaac, Oh Panginoon, (G)na nagsabi sa akin, Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan, at gagawan kita ng magaling:

10 Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan, at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod: sapagka't dala ko ang aking tungkod, na dinaanan ko ang Jordang ito; at ngayo'y naging dalawang pulutong ako.

11 Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo, sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau; sapagka't ako'y (H)natatakot sa kaniya, baka siya'y dumating at ako'y saktan niya, ang ina pati ng mga anak.

12 (I)At ikaw ang nagsabi, Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling, at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

13 At siya'y nagparaan doon ng gabing yaon; at kumuha ng mayroon siya na (J)ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid;

14 Dalawang daang kambing na babae, at dalawang pung lalaking kambing; dalawang daang tupang babae, at dalawang pung tupang lalake,

15 Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak; apat na pung baka at sangpung toro, dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon.

16 At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan, bawa't kawan ay bukod; at sinabi sa kaniyang mga bataan, Lumagpas kayo sa unahan ko, at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa't kawan.

17 At iniutos sa una, na sinasabi, Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid, at ikaw ay tinanong na sinasabi, Kanino ka? at saan ka paroroon? at kanino itong nangasa unahan mo.

18 Kung magkagayo'y sasabihin mo, Sa iyong lingkod na kay Jacob; isang kaloob nga, na padala sa aking panginoong kay Esau: at, narito, siya'y nasa hulihan din naman namin.

19 At iniutos din sa ikalawa, at sa ikatlo, at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan, na sinasabi, Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau, pagkasumpong ninyo sa kaniya;

20 At sasabihin ninyo, Saka, narito, ang iyong lingkod na si Jacob, ay nasa hulihan namin, sapagka't kaniyang sinabi, Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko, at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha; marahil ay tatanggapin niya ako.

21 Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob; at siya'y natira ng gabing yaon sa pulutong.

Mga Gawa 2:37-47

37 Nang marinig nga nila ito, (A)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?

38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (B)Mangagsisi kayo, at (C)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (D)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (E)ang kaloob ng Espiritu Santo.

39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (F)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (G)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.

40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.

41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (H)ang may tatlong libong kaluluwa.

42 At sila'y nagsipanatiling matibay (I)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (J)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

43 (K)At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.

44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay (L)nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;

45 At ipinagbili (M)nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.

46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (N)sa templo, (O)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (P)galak at may katapatan ng puso.

47 (Q)Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila (R)ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978