Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
CHETH.
57 (A)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (B)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (C)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (D)ng iyong kagandahang-loob:
(E)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
27 (A)Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,
Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
28 (B)Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli,
At bukas ay magbibigay ako;
Pagka ikaw ay mayroon.
29 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa,
Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.
30 (C)Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan,
Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31 (D)Huwag kang managhili sa taong marahas,
At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32 Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
(E)Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
33 (F)Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;
Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,
(G)Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;
Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.
18 (A)At tinanong siya ng (B)isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay?
19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.
20 Talastas mo ang mga utos, (C)Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina.
21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata.
22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman.
24 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, (D)Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!
25 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios.
26 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas?
27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.
28 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo.
29 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios,
30 Na di tatanggap ng makapupung higit (E)sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978