Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
HE.
33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (A)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (B)kasakiman.
37 (C)Alisin mo ang aking mga mata (D)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (E)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (F)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
6 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Kung ang sinoman ay magkasala, (A)at sumuway sa Panginoon, (B)na magbulaan sa kaniyang kapuwa (C)tungkol sa isang habilin, o sa isang sanla, o sa nakaw, o pumighati sa kaniyang kapuwa,
3 O (D)nakasumpong ng nawala, at ipagkaila (E)at sumumpa ng kasinungalingan; sa alin man sa lahat ng ito na ginawa ng tao ng pinagkakasalahan:
4 Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,
5 O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; (F)na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan.
6 At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, (G)isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga, at ibibigay sa saserdote na pinaka handog dahil sa pagkakasala:
7 (H)At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon; at siya'y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa, na kaniyang pinagkasalahan.
2 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (A)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
3 Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (B)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, (C)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (D)sa biyaya.
5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (E)naghihintay ng pangako ng katuwiran.
6 Sapagka't (F)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (G)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978