Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Iba't ibang batas.
19 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Kayo'y magpakabanal; sapagka't akong Panginoon ninyong Dios ay banal.
9 (A)At pagka gagapas kayo ng mga uhay sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakagapasin ang mga sulok ng inyong bukid, ni huwag ninyong pamulutan ang inyong lupang ginapasan.
10 At huwag ninyong sisimutin ang inyong ubasan, ni huwag ninyong pupulutin ang bungang nahulog sa inyong ubasan; sa dukha at sa taga ibang bayan, pababayaan ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios.
11 (B)Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba.
12 At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan, na anopa't lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios; ako ang Panginoon.
13 (C)Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: (D)ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga.
14 Huwag ninyong lalaitin ang bingi, ni maglalagay ng katitisuran sa harap ng bulag, kundi katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon.
15 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol: huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan: kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa.
16 (E)Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan, ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa: ako ang Panginoon.
17 (F)Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso; (G)tunay na inyong sasawayin ang inyong kapuwa, (H)at huwag kayong magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya.
18 (I)Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, (J)kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.
HE.
33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (A)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (B)kasakiman.
37 (C)Alisin mo ang aking mga mata (D)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (E)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (F)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, (A)na ito'y si Cristo Jesus.
16 Hindi baga ninyo nalalaman (A)na kayo'y templo ng Dios, at (B)ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18 Sinoma'y huwag (C)magdaya sa kaniyang sarili. (D)Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang (E)ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.
19 Sapagka't ang (F)karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, (G)Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:
20 At muli, (H)Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21 Kaya't (I)huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.
22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si (J)Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit (K)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; (L)lahat ay sa inyo:
23 At (M)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.
38 Narinig ninyong sinabi, (A)Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
39 (B)Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (C)Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.
43 Narinig ninyong sinabi, (D)Iibigin mo ang iyong kapuwa, at (E)kapopootan mo ang iyong kaaway:
44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (F)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at (G)idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46 Sapagka't kung kayo'y iibig (H)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (I)ng mga maniningil ng buwis?
47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 (J)Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978