Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:33-40

HE.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (A)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (B)kasakiman.
37 (C)Alisin mo ang aking mga mata (D)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (E)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (F)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

Exodo 22:21-27

21 (A)At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

22 (B)Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.

23 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at (C)sila'y (D)dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;

24 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at (E)ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.

25 (F)Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.

26 (G)Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;

27 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y (H)mapagbiyaya.

1 Corinto 10:23-11:1

23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; (A)nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

24 Huwag (B)hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.

25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman (C)dahilan sa budhi;

26 Sapagka't ang lupa ay (D)sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.

27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.

28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, (E)dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;

29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit (F)hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?

30 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat,(G)bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?

31 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, (H)gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

32 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, (I)sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa (J)iglesia man ng Dios:

33 Na gaya ko (K)din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y (L)mangaligtas.

11 (M)Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978