Revised Common Lectionary (Complementary)
Dumating ang Banal na Espiritu ng Araw ng Pentecostes
2 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nasa iisang pook na nagkakaisa.
2 Sila ay nakaupo sa loob ng isang bahay. Biglang may umugong mula sa langit tulad ng humahagibis na marahas na hangin at pinuno nito ang buong bahay. 3 May nagpakita sa kanila na nagkakabaha-bahaging mga dila tulad ng apoy at ito ay lumapag sa bawat isa sa kanila. 4 At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin.
5 Sa Jerusalem ay may mga Judiong naninirahan ng mga panahong iyon. Sila ay mga lalaking palasamba sa Diyos na mula sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6 Nang marinig nila ang usap-usapan ng kanilang pagsasalita, maraming tao ang sama-samang pumunta at sila ay nabalisa sapagkat narinig nila ang mga apostol na nagsasalita sa sariling wika ng mga nakikinig. 7 Ang lahat ay namangha at nagtaka. Sinabi nila sa isa’t isa: Narito, hindi ba ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? 8 Papaanong nangyari na naririnig natin ang bawat isa sa kanila na nagsasalita ng sarili nating wika na ating kinagisnan? 9 Tayo ay taga-Partia, taga-Media at taga-Elam. May mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocea. May mga naninirihan sa Pontus at sa Asya. 10 May mga naninirahan sa Frigia, sa Pamfilia, sa Egipto at sa mga bahagi ng Libya na nasa palibot ng Cerene. May mga dumalaw na mula sa Roma, kapwa mga Judio at mga naging Judio. 11 May mga taga-Creta at taga-Arabya. Sa sarili nating mga wika ay naririnig natin silang nagsasalita ng mga dakilang bagay ng Diyos. 12 Lahat ay namangha at nalito. Sinabi nila sa isa’t isa: Ano kaya ang ibig sabihin nito?
13 Ang iba ay nangungutyang nagsabi: Sila ay mga lango sa bagong alak.
Nagsalita si Pedro sa Maraming Tao
14 Ngunit si Pedro ay tumayo kasama ng labing-isa. Nilakasan niya ang kaniyang tinig at nagsalita siya sa kanila: Mga lalaking taga-Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, alamin ninyo ito at makinig sa aking mga salita.
15 Sila ay hindi mga lasing tulad ng inaakala ninyo sapagkat ika-tatlo pa lamang ang oras ngayon. 16 Subalit ito ang sinabi ng propetang si Joel:
17 Mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Diyos: Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng mga tao. Ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag ng salita ng Diyos. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain. Ang inyong mga matandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip. 18 Sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae. At sila ay maghahayag ng salita ng Diyos. 19 Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang gawa sa langit na nasa itaas at mga tanda sa lupa na nasa ibaba. Ang mga tanda na ito ay ang dugo, apoy at sumisingaw na usok. 20 Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo. Ito ay mangyayari bago dumating ang dakila at hayag na araw ng Panginoon. 21 Mangyayari na ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
14 Ito ay sapagkat sila na inaakay ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos. 15 Ito ay sapagkat hindi kayo tumanggap ng Espiritu na magdadala sa inyo sa muling pagkaalipin sa takot. Subalit ang tinanggap ninyo ay ang Espiritu ng pag-ampon, kaya nga, tayo ay tumatawag ng: Abba, Ama. 16 Ang Espiritu ang siyang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo ay mga anak ng Diyos. 17 Yamang tayo nga ay mga anak, tayo ay mga tagapagmana. Tagapagmana tayo ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Yamang tunay na naghirap tayo nakasama niya, tayo ay luluwalhatiin ding kasama niya.
Dumating ang Banal na Espiritu ng Araw ng Pentecostes
2 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nasa iisang pook na nagkakaisa.
2 Sila ay nakaupo sa loob ng isang bahay. Biglang may umugong mula sa langit tulad ng humahagibis na marahas na hangin at pinuno nito ang buong bahay. 3 May nagpakita sa kanila na nagkakabaha-bahaging mga dila tulad ng apoy at ito ay lumapag sa bawat isa sa kanila. 4 At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin.
5 Sa Jerusalem ay may mga Judiong naninirahan ng mga panahong iyon. Sila ay mga lalaking palasamba sa Diyos na mula sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6 Nang marinig nila ang usap-usapan ng kanilang pagsasalita, maraming tao ang sama-samang pumunta at sila ay nabalisa sapagkat narinig nila ang mga apostol na nagsasalita sa sariling wika ng mga nakikinig. 7 Ang lahat ay namangha at nagtaka. Sinabi nila sa isa’t isa: Narito, hindi ba ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? 8 Papaanong nangyari na naririnig natin ang bawat isa sa kanila na nagsasalita ng sarili nating wika na ating kinagisnan? 9 Tayo ay taga-Partia, taga-Media at taga-Elam. May mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocea. May mga naninirihan sa Pontus at sa Asya. 10 May mga naninirahan sa Frigia, sa Pamfilia, sa Egipto at sa mga bahagi ng Libya na nasa palibot ng Cerene. May mga dumalaw na mula sa Roma, kapwa mga Judio at mga naging Judio. 11 May mga taga-Creta at taga-Arabya. Sa sarili nating mga wika ay naririnig natin silang nagsasalita ng mga dakilang bagay ng Diyos. 12 Lahat ay namangha at nalito. Sinabi nila sa isa’t isa: Ano kaya ang ibig sabihin nito?
13 Ang iba ay nangungutyang nagsabi: Sila ay mga lango sa bagong alak.
Nagsalita si Pedro sa Maraming Tao
14 Ngunit si Pedro ay tumayo kasama ng labing-isa. Nilakasan niya ang kaniyang tinig at nagsalita siya sa kanila: Mga lalaking taga-Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, alamin ninyo ito at makinig sa aking mga salita.
15 Sila ay hindi mga lasing tulad ng inaakala ninyo sapagkat ika-tatlo pa lamang ang oras ngayon. 16 Subalit ito ang sinabi ng propetang si Joel:
17 Mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Diyos: Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng mga tao. Ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay maghahayag ng salita ng Diyos. Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain. Ang inyong mga matandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip. 18 Sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae. At sila ay maghahayag ng salita ng Diyos. 19 Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang gawa sa langit na nasa itaas at mga tanda sa lupa na nasa ibaba. Ang mga tanda na ito ay ang dugo, apoy at sumisingaw na usok. 20 Ang araw ay magiging kadiliman at ang buwan ay magiging dugo. Ito ay mangyayari bago dumating ang dakila at hayag na araw ng Panginoon. 21 Mangyayari na ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
8 Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa amin.
9 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. 11 Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa. 12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa Ama. 13 Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.
Ipinangako ni Jesus na Isusugo ang Banal na Espiritu
15 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.
16 Hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman. 17 Ang Tagapayong ito ay ang Espiritung Katotohanan. Hindi siya matanggap ng sangkatauhan sapagkat hindi siya nito nakikita o nakikilala man. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananahang kasama ninyo at sasainyo.
25 Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo samantalang kasama ninyo ako. 26 Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong puso ni mangamba.
Copyright © 1998 by Bibles International