Revised Common Lectionary (Complementary)
Awit ng Pag-akyat. Mula kay David.
131 Panginoon, hindi hambog ang aking puso,
ni mayabang man ang mata ko;
ni nagpapaka-abala sa mga bagay na lubhang napakadakila,
o sa mga bagay na para sa akin ay lubhang kamangha-mangha.
2 Tunay na aking pinayapa at pinatahimik ang aking kaluluwa;
gaya ng batang inihiwalay sa dibdib ng kanyang ina,
gaya ng batang inihiwalay ang aking kaluluwa sa loob ko.
3 O Israel, umasa ka sa Panginoon
mula ngayon at sa walang hanggang panahon.
22 Mga sinungaling na labi sa Panginoon ay kasuklamsuklam,
ngunit ang gumagawa nang may katotohanan ay kanyang kinalulugdan.
23 Ang taong marunong ay nagkukubli ng kaalaman;
ngunit ipinahahayag ng puso ng mga hangal ang kanilang kahangalan.
24 Ang kamay ng masipag ay mamamahala,
ngunit ang tamad ay malalagay sa sapilitang paggawa.
25 Nagpapabigat sa puso ng tao ang pagkabalisa,
ngunit ang mabuting salita ay nagpapasaya sa kanya.
26 Ang matuwid sa kanyang kapwa ay patnubay,
ngunit ang lakad ng masama sa kanila'y nakapagpapaligaw.
27 Hindi makakahuli ng hayop ang taong tamad,
ngunit magkakamit ng mahalagang kayamanan ang masipag.
28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
ngunit ang landas ng kamalian ay tungo sa kamatayan.
Sina Timoteo at Epafrodito
19 Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na suguin kaagad sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag sa pagkaalam ko ng mga bagay tungkol sa inyo.
20 Sapagkat wala akong sinuman na katulad niya na tunay na magmamalasakit sa inyong kapakanan.
21 Sapagkat pinagsisikapan nilang lahat ang para sa kanilang sariling kapakanan, hindi ang mga bagay ni Jesu-Cristo.
22 Ngunit nalalaman ninyong subok na si Timoteo,[a] kung paanong naglilingkod ang anak sa ama ay kasama ko siyang naglingkod sa ebanghelyo.
23 Siya nga ang aking inaasahang suguin kaagad, kapag nakita ko kung ano ang mangyayari sa akin.
24 At nagtitiwala ako sa Panginoon na di-magtatagal at makakarating din naman ako.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001