Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 23

Awit ni David.

23 Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang;
    pinahihiga(A) niya ako sa luntiang pastulan,
inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan.
    Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.
Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran
    alang-alang sa kanyang pangalan.

Bagaman ako'y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
    wala akong katatakutang kasamaan;
sapagkat ikaw ay kasama ko,
    ang iyong pamalo at ang iyong tungkod,
    inaaliw ako ng mga ito.

Ipinaghahanda mo ako ng hapag
    sa harapan ng aking mga kaaway;
iyong binuhusan ng langis ang aking ulo,
    umaapaw ang aking saro.
Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin
    sa lahat ng mga araw ng aking buhay;
at ako'y maninirahan sa bahay ng Panginoon
    magpakailanman.[a]

Isaias 22:1-8

Ang Hula tungkol sa Jerusalem

22 Ang pahayag tungkol sa libis ng pangitain.

Anong ibig mong sabihin na ikaw ay umakyat,
    kayong lahat, sa mga bubungan?
O ikaw na puno ng mga sigawan,
    magulong lunsod, masayang bayan?
Ang iyong mga patay ay hindi napatay ng tabak,
    o namatay man sa pakikipaglaban.
Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama,
    sila'y nahuli bagaman di ginamitan ng busog.
Kayong lahat na natagpuan ay nahuli,
    bagaman sila'y nakatakas sa malayo.
Kaya't sinabi ko,
“Huwag kayong tumingin sa akin,
    hayaan ninyong ako'y umiyak na may kapaitan;
huwag ninyong sikaping bigyan ako ng kaaliwan,
    ng dahil sa pagkawasak sa anak na babae ng aking bayan.”

Sapagkat ang Panginoong Diyos ng mga hukbo ay may isang araw
    ng pagkakagulo at pagyapak, ng pagkalito,
    sa libis ng pangitain;
pagkabagsak ng mga pader
    at pagsigaw sa mga bundok.
Ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana,
    may mga karwahe at mga mangangabayo;
    at inalisan ng balot ng Kir ang kalasag.
Ang iyong mga piling libis ay punô ng mga karwahe,
    at ang mga mangangabayo ay nakahanay sa mga pintuan.
At kanyang inalis ang takip ng Juda.

Sa araw na iyon ay tumingin ka sa mga sandata sa Bahay ng Gubat.

1 Pedro 5:1-5

Pangangalaga sa Kawan ng Diyos

Ngayon, bilang kapwa matanda at isang saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at bilang kabahagi sa kaluwalhatiang ihahayag, ipinapakiusap ko sa mga matatanda sa inyo,

na(A) pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyong pangangasiwa, na maglingkod bilang tagapangasiwa, hindi sapilitan kundi bukal sa loob, ayon sa kalooban ng Diyos,[a] ni hindi dahil sa mahalay na pakinabang, kundi may sigasig.

Huwag kayong maging panginoon ng mga pinangangasiwaan ninyo, kundi kayo'y maging mga halimbawa sa kawan.

At sa pagpapakita ng punong Pastol, tatanggapin ninyo ang hindi kumukupas na putong ng kaluwalhatian.

Gayundin(B) naman, kayong mga kabataan, pasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat ay magsuot ng kapakumbabaan sa inyong pakikitungo sa isa't isa, sapagkat “Ang Diyos ay sumasalungat sa mga palalo, ngunit nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.”

1 Pedro 5:12-14

Pangwakas na Pagbati

12 Sa(A) pamamagitan ni Silvano, na itinuturing kong tapat nating kapatid, ay sinulatan ko kayo nang maikli upang pasiglahin kayo at magpatotoo na ito ang tunay na biyaya ng Diyos. Manindigan kayo rito.

13 Binabati(B) kayo ng babaing nasa Babilonia, na kasama ninyong hinirang, at ni Marcos na aking anak.

14 Magbatian kayo ng halik ng pag-ibig.

Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.[a]

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001