Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Lent and Easter

Short readings from throughout the Bible that focus on the meaning and events of Easter.
Duration: 47 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Santiago 5:13-18

13 Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? (A)awitin niya ang mga pagpupuri.

14 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya (B)ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, (C)na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:

15 At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; (D)at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.

16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa (E)ng maningas (F)na panalangin ng taong matuwid.

17 Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; (G)at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.

18 At muli siyang nanalangin; at ang langit ay (H)nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978