Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Lent and Easter

Short readings from throughout the Bible that focus on the meaning and events of Easter.
Duration: 47 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 78:3-8

(A)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
(B)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(C)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
Sapagka't siya'y nagtatag ng (D)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
(E)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(F)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978