Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Lent and Easter

Short readings from throughout the Bible that focus on the meaning and events of Easter.
Duration: 47 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Pedro 1:8-17

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (A)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (B)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

(C)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (D)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:

11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (E)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (F)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.

12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (G)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

13 Kaya't (H)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (I)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (J)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;

14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (K)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (L)sa kawalang kaalaman:

15 Nguni't yamang banal (M)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (N)ng pamumuhay;

16 Sapagka't nasusulat, (O)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.

17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (P)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (Q)takot ang panahon ng inyong (R)pangingibang bayan:

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978