Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Lent and Easter

Short readings from throughout the Bible that focus on the meaning and events of Easter.
Duration: 47 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 19:21-29

21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (A)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?

Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.

23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (B)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (C)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Kung inyong sabihin: Paanong aming pag-uusigin siya?
Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 Mangatakot kayo sa tabak:
Sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak,
Upang inyong malaman na may kahatulan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978