Old/New Testament
Ang kagamitan ng mga kawikaan. Pagiingat laban sa hibo ng makasalanan.
1 Ang mga (A)kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2 Upang umalam ng karunungan at turo;
Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3 Upang (B)tumanggap ng turo sa pantas na paguugali,
Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4 Upang magbigay ng (C)katalinuhan sa (D)musmos.
Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo:
At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan;
Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7 (E)Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
8 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama,
At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo,
At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan,
(F)Huwag mong tulutan.
11 Kung kanilang sabihin, Sumama ka sa amin,
Tayo'y (G)magsibakay sa pagbububo ng dugo,
Tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
12 Sila'y (H)lamunin nating buháy na gaya ng Sheol.
At buo, (I)na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
13 Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pagaari,
Ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin;
Magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15 (J)Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila;
(K)Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16 (L)Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan,
At sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17 Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo,
Sa paningin ng alin mang ibon:
18 At (M)binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo,
Kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
19 (N)Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang;
Na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
20 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan;
Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan;
Sa pasukan ng mga pintuang-bayan,
Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan?
At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya,
At ang mga mangmang ay (O)mangagtatanim sa kaalaman?
23 Magsibalik kayo sa aking saway:
Narito, (P)aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
24 (Q)Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi:
Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo,
At hindi ninyo inibig ang aking saway:
26 (R)Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan:
Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27 (S)Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo.
At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo;
Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28 (T)Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot;
Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman,
At hindi (U)pinili ang takot sa Panginoon.
30 Ayaw sila ng aking payo;
Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31 (V)Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad,
At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos,
At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33 Nguni't (W)ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.
At (X)tatahimik na walang takot sa kasamaan.
Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.
2 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(Y)At tataglayin mo ang aking mga utos;
2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4 (Z)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
6 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
7 Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(AA)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
8 Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (AB)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
9 Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(AC)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (AD)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (AE)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 (AF)Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 (AG)Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang (AH)kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 (AI)Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain,
At ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 (AJ)Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain,
At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.
2 Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:
4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
5 Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;
6 Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.
7 Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.
8 Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;
9 Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.
10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:
11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.
12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.
14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978