Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 14-16

Ipinakilala ni Job ang kahinaan ng tao. Siya'y nanalangin upang makubli siyang sumandali hanggang makaraan ang poot ng Panginoon.

14 Taong (A)ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
Siya'y umuusli na gaya (B)ng bulaklak, at (C)nalalagas:
Siya rin nama'y tumatakas na (D)gaya ng anino, at hindi namamalagi.
At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo (E)ako upang hatulan mo?
(F)Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan,
Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo,
At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
(G)Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga,
Hanggang sa maganap niya, na (H)gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli,
At ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
At ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol,
At magsasanga na gaya ng pananim.
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
At ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
(I)Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon,
Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 Oh (J)ikubli mo nawa ako sa Sheol.
Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan,
Na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14 (K)Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 (L)Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo:
Ikaw ay magtataglay ng nasa sa (M)gawa ng iyong mga kamay.
16 (N)Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang:
Hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot,
At iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala,
At ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 Inuukit ng tubig ang mga bato;
Tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa:
Sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw;
Iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, (O)at hindi niya nalalaman;
At sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit,
At ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.

Ang ikalawang pananalita ni Eliphaz. Tinuligsa niya ang pagpapakunwari ni Job.

15 Nang magkagayo'y sumagot si (P)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

Sasagot ba (Q)ang isang pantas ng (R)walang kabuluhang kaalaman,
At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan,
Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap,
O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan,
At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig,
At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako;
Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?
O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
Iyo bang narinig ang (S)lihim na payo ng Dios?
At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
(T)Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?
Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10 (U)Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao,
Matandang makapupo kay sa iyong ama.
11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo,
Sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso?
At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios,
At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14 (V)Ano ang tao upang maging malinis?
At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga (W)banal;
Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,
(X)Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako;
At ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18 (Ang (Y)isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain,
At (Z)walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,
Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;
(AA)Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,
At siya'y hinihintay ng tabak:
23 (AB)Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?
(AC)Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:
Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios.
At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg,
Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27 (AD)Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan
At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan,
Sa mga bahay na walang taong tumatahan,
Na madaling magiging mga bunton.
29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari.
Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman;
Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga,
At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili:
Sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32 (AE)Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan,
At ang kaniyang (AF)sanga ay hindi mananariwa.
33 Lalagasin niya ang kaniyang mga (AG)hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,
At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago,
At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35 (AH)Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan,
At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

Ang ikalimang pagsasalita ni Job. Kaniyang kinamuhian ang kaniyang mga kaibigan. Ang pagtutol sa pagpapalagay ng Dios.

16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Ako'y nakarinig ng maraming (AI)ganyang bagay:
Maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita?
O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa;
Kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa,
Ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo,
At maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig,
At ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat:
At bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (AJ)aking buong pulutong.
At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (AK)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(AL)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(AM)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (AN)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(AO)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (AP)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (AQ)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (AR)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (AS)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay,
At ang aking dalangin ay malinis,
18 Oh lupa, (AT)huwag mong tabunan ang aking dugo,
At huwag magkaroon ng pahingahang dako (AU)ang aking daing.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit,
At siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan:
Nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios;
At ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon,
Ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.

Mga Gawa 9:22-43

22 Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.

23 (A)At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:

24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At (B)kanilang binantayan naman ang mga pintuang-daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:

25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at (C)siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.

26 At (D)nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,

27 Datapuwa't kinuha siya ni (E)Bernabe, at siya'y iniharap (F)sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.

28 At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,

29 Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga (G)Greco-Judio; (H)datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.

30 At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa (I)Cesarea, at siya'y sinugo nila (J)sa Tarso.

31 Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan (K)ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may (L)kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.

32 At nangyari, na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako, siya'y naparoon naman (M)sa mga banal na nangananahan sa Lidda.

33 At doo'y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas, na walo nang taong sumasabanig; sapagka't siya'y lumpo.

34 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas, pinagagaling ka ni (N)Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At pagdaka'y nagtindig siya.

35 At siya'y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila'y nangagbalik-loob sa Panginoon.

36 Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.

37 At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.

38 At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.

39 At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.

40 Datapuwa't (O)pinalabas silang lahat ni Pedro, at (P)lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang (Q)sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.

41 At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag (R)ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.

42 At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon.

43 At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni (S)Simong mangluluto ng balat.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978