Old/New Testament
Mga kasalanan sa panahon ng pagkabihag.
9 Nang magawa nga ang mga bagay na ito, ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin, na nangagsasabi: Ang bayan ng Israel, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, ay hindi (A)nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain, na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal, sa makatuwid baga'y ang mga Cananeo, ang mga Hetheo, ang mga Pherezeo, ang mga Jebuseo, ang mga Ammonita, ang mga Moabita, ang mga taga Egipto, at ang mga (B)Amorrheo.
2 Sapagka't kinuha nila ang kanilang mga (C)anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalake, na anopa't ang (D)banal na binhi ay (E)nahalo nga sa bayan ng mga lupain: oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga (F)pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito.
3 At nang mabalitaan ko ang bagay na ito, aking (G)hinapak ang aking suot at ang aking balabal, at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba, at ako'y naupong natitigilan.
4 Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na (H)nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa (I)pagaalay sa hapon.
Ang pagtatapat ni Ezra at ang kaniyang panalangin tungkol sa pagaasawa sa mga taga ibang lupa.
5 At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at (J)iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios;
6 At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: (K)sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay (L)umabot hanggang sa langit.
7 Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa (M)kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito.
8 At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang (N)pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng (O)kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin.
9 Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng (P)kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem.
10 At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagka't aming pinabayaan ang iyong mga utos.
11 Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsasabi, Ang lupain, na inyong pinaroroonan upang ariin, ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain, dahil sa kanilang mga karumaldumal, na pinuno sa dulo't dulo ng kanilang karumihan.
12 Ngayon nga'y (Q)huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, ni (R)hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man: na kayo baga'y magsilakas, at magsikain ng buti ng lupain, at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man.
13 At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi.
14 Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa iyong malipol kami, na anopa't huwag magkaroon ng nalabi, o ng sinomang nakatanan.
15 Oh Panginoon, na Dios ng Israel, (S)ikaw ay matuwid, sapagka't kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap mo sa aming sala; sapagka't walang makatatayo sa harap mo dahil dito.
Ang pagtatapat ni Ezra—(karugtong).
10 Habang si (T)Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa (U)harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.
2 At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
3 Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga (V)nanginginig sa (W)utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.
4 Bumangon ka: sapagka't bagay na ukol sa iyo, at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti, at iyong gawin.
5 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at (X)pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito. Sa gayo'y sumumpa sila.
6 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa (Y)harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni (Z)Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
7 At siya'y gumawa ng pahayag sa Juda't Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag, na sila'y magpipisan sa Jerusalem;
8 At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw, ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda, lahat niyang pagaari ay sasamsamin, at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag.
Ang pagaasawa sa taga ibang lupa ay iniwan.
9 Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
10 At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel.
11 Ngayon nga'y (AA)mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
12 Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin.
13 Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito.
14 Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang (AB)panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.
15 Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila.
16 At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila'y nangaupo sa (AC)unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay.
17 At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan.
Mga pangalan noong may mga asawa na taga ibang lupa.
18 At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni (AD)Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.
19 (AE)At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking (AF)tupa sa kawan dahil sa kanilang sala.
20 At sa mga anak ni Immer; si Hanani at si Zebadias.
21 At sa mga anak ni (AG)Harim; si Maasias, at si Elias, at si Semeias, at si Jehiel, at si Uzzias.
22 At sa mga anak ni Phasur; si Elioenai, si Maasias, si Ismael, si Nathanael, si Jozabad at si Elasa.
23 At sa mga Levita; si Jozabad, at si Simi, at si Kelaia (na siya ring Kelita), si Pethaia, si Juda, at si Eliezer.
24 At sa mga mangaawit: si Eliasib: at sa mga tagatanod-pinto; si Sellum, at si Telem, at si Uri.
25 At sa Israel: sa mga anak ni Pharos; si Ramia at si Izzias, at si Malchias, at si Miamim, at si Eleazar, at si Malchias, at si Benaias.
26 At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia.
27 At sa mga anak ni Zattu; si Elioenai, si Eliasib, si Mathanias, at si Jeremoth, at si Zabad, at si Aziza.
28 At sa mga anak ni Bebai; si Johanan, si Hananias, si Zabbai, at si Atlai.
29 At sa mga anak ni Bani; si Mesullam, si Malluch, at si Adaias, si Jasub, si Seal, at si Ramoth.
30 At sa mga anak ni Pahathmoab; si Adna, at si Cheleal, si Benaias, si Maasias, si Mathanias, si Besaleel, at si Bennui, at si Manases.
31 At sa mga anak ni Harim; si Eliezer, si Issia, at si Malchias, si Semeia, si Simeon;
32 Si Benjamin, si Malluch, si Semarias.
33 Sa mga anak ni Hasum; si Mathenai, si Mathatha, si Zabad, si Eliphelet, si Jeremai, si Manases, at si Sami.
34 Sa mga anak ni Bani; si Maadi, si Amram, at si Uel;
35 Si Benaias, si Bedias, si Cheluhi;
36 Si Vanias, si Meremoth, si Eliasib;
37 Si Mathanias, si Mathenai, at si Jaasai;
38 At si Bani, at si Binnui, si Simi;
39 At si Selemias, at si Nathan, at si Adaias;
40 Si Machnadbai, si Sasai, si Sarai;
41 Si Azareel, at si Selemias, si Semarias;
42 Si Sallum, si Amarias, si Joseph.
43 Sa mga anak ni Nebo; si Jehiel, si Matithias, si Zabad, si Zebina, si Jadau, at si Joel, si Benaias.
44 Lahat ng mga ito'y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan: at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak.
1 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh (A)Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,
2 Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, (B)pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, (C)sa mga apostol na kaniyang hinirang;
3 Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, (D)pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:
4 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila (E)na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin (F)ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:
5 Sapagka't tunay na si Juan ay (G)nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y (H)babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (I)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
7 At sinabi niya sa kanila, (J)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (K)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (L)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
9 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, (M)ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang (N)lalaking nangakatayo sa tabi nila (O)na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong (P)gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
12 Nang magkagayon ay (Q)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (R)na isang araw ng sabbath lakarin.
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (S)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (T)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
14 Ang lahat ng mga ito'y (U)nagsisipanatiling matibay na (V)nangagkakaisa sa pananalangin (W)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (X)niya.
15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (Y)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (Z)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17 Sapagka't siya'y (AA)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (AB)ito.
18 (AC)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (AD)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (AE)Ang parang ng Dugo.)
20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,
(AF)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;
at,
(AG)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (AH)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (AI)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
24 At (AJ)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (AK)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (AL)sa kaniyang sariling kalalagyan.
26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978