Read the New Testament in 24 Weeks
Ang Reyna ng Kahalayan
17 At(A) dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa tanyag na mahalay na babae[a] na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig;
2 na(B) sa kanya'y nakiapid ang mga hari sa lupa, at ang mga naninirahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid.
3 At(C) ako'y kanyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang halimaw na pula, na punô ng mga pangalan ng kalapastanganan na may pitong ulo at sampung sungay.
4 Ang(D) babae ay nakadamit ng kulay-ube at ng matingkad na pula, nagagayakan ng ginto at ng mahahalagang bato at mga perlas, at hawak sa kanyang kamay ang isang kopang ginto na punô ng mga karumaldumal at mga bagay na marurumi ng kanyang pakikiapid,
5 at sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, ang isang hiwaga: “dakilang Babilonia, ina ng mga mahalay na babae[b] at ng mga karumaldumal sa lupa.”
6 At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir[c] ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubhang nanggilalas.
7 Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay.
8 Ang(E) halimaw na nakita mo ay buháy noon[d] at ngayo'y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon ngunit ngayo'y wala na at darating pa.
9 “Kailangan dito ang pag-iisip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae; sila rin ay pitong hari,
10 ang lima sa kanila ay bumagsak, ang isa'y nananatili pa, ang isa ay hindi pa dumarating at pagdating niya, kailangang magpatuloy siya nang sandaling panahon.
11 At ang halimaw na buháy noon at ngayo'y wala na, ay siya ring ikawalo ngunit kabilang sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
12 At(F) ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari, na hindi pa tumatanggap ng kaharian; subalit sila'y tatanggap ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng halimaw.
13 Ang mga ito ay may isang pag-iisip at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.
14 Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero at sila'y dadaigin ng Kordero, sapagkat siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay mga tinawag, mga hinirang at tapat.”
15 At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng mahalay na babae[e] ay mga bayan, napakaraming tao, mga bansa, at mga wika.
16 At ang sampung sungay na iyong nakita, sila at ang halimaw ay mapopoot sa mahalay na babae;[f] siya'y pababayaan at huhubaran nila, lalamunin ang kanyang laman at siya'y lubos na susunugin sa apoy.
17 Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin ang kanyang layunin at magkaisa ng pag-iisip at ibigay ang kanilang paghahari sa halimaw, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.
18 Ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lunsod na naghahari sa mga hari sa lupa.”
Ang Pagbagsak ng Babilonia
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian.
2 At(G) siya'y sumigaw nang may malakas na tinig na nagsasabi,
“Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia!
Ito'y naging tirahan ng mga demonyo,
pugad ng bawat espiritung karumaldumal,
at pugad ng bawat karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon;
3 sapagkat(H) lahat ng mga bansa ay uminom
ng alak ng galit ng kanyang pakikiapid,
at ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kanya,
at ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman dahil sa kapangyarihan ng kanyang kalayawan.”
4 At(I) narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit na nagsasabi,
“Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko,
upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan,
at huwag kayong makabahagi
sa kanyang mga salot;
5 sapagkat(J) ang kanyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit,
at natatandaan ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.
6 Ibigay(K) din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo,
at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa;
sa kopang kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit.
7 Kung(L) gaano siya nagmalaki at namuhay sa kalayawan,
ay gayundin ang ibigay ninyo sa kanyang pahirap at pagluluksa.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
‘Ako'y nakaupong isang reyna.
Hindi ako balo
at hindi ko makikita kailanman ang pagluluksa.’
8 Kaya't sa loob ng isang araw ay darating ang mga salot sa kanya,
kamatayan, pagluluksa at gutom;
at siya'y lubos na susunugin sa apoy;
sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya.”
9 At(M) ang mga hari sa lupa na nakiapid at namuhay sa kalayawan na kasama niya, ay iiyakan at tatangisan siya kapag nakita nila ang usok ng pagsusunog sa kanya.
10 Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia!
Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.”
11 Ang(N) mga mangangalakal sa lupa ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bibili pa ng kanilang kalakal;
12 kalakal(O) na ginto at pilak, mahalagang bato at mga perlas, pinong lino, kulay-ube, sutla at pula; ng sari-saring mababangong kahoy, at bawat kasangkapang garing, bawat kasangkapang mahalagang kahoy, tanso, bakal, marmol,
13 kanela, pampalasa, kamanyang, mira at insenso; alak at langis, at mainam na harina at trigo, mga baka at mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga alipin; at ng mga kaluluwa ng mga tao.
14 “Ang mga bungang ninanais ng kaluluwa mo
ay wala na sa iyo,
at lahat ng mga bagay na mararangya at mariringal
ay nalipol sa iyo,
at hindi na kailanman matatagpuan pang muli!”
15 Ang(P) mga mangangalakal ng mga bagay na ito na tumatangis at tumataghoy, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya,
16 na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
siyang nagsusuot ng pinong lino at ng kulay-ube, at pula,
at napapalamutian ng ginto, mahahalagang bato at perlas!
17 Sapagkat(Q) sa loob ng isang oras ay nalipol ang ganito kalaking kayamanan!”
At ang bawat pinuno ng barko, ang bawat naglalayag saan mang dako, ang mga mandaragat, at lahat ng naghahanap-buhay sa dagat, ay nakatayo sa malayo,
18 at(R) nagsisisigaw pagkakita sa usok ng pagsusunog sa kanya, na nagsasabi,
“Anong lunsod ang katulad ng dakilang lunsod?”
19 At(S) sila'y nagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo at nagsisigawan, na nag-iiyakan at nananaghoy, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
na siyang nagpapayaman sa lahat na may mga barko sa dagat, dahil sa kanyang mga kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak!
20 Magalak(T) ka tungkol sa kanya, O langit,
at kayong mga banal at mga apostol, at mga propeta;
sapagkat iginawad na ng Diyos para sa inyo ang hatol sa kanya!”
21 Pagkatapos(U) ay dinampot ng isang malakas na anghel ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat na sinasabi,
“Sa ganitong karahasan ibabagsak ang dakilang Babilonia,
at hindi na matatagpuan pa.
22 At(V) (W) ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
at wala nang manggagawa ng anumang gawa
ang matatagpuan pa sa iyo;
at ang ingay ng gilingan
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 at ang liwanag ng ilawan
ay hindi na tatanglaw pa sa iyo
at ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaing ikakasal
ay hindi na maririnig pa sa iyo;
sapagkat ang mga mangangalakal mo ay dating mga pangunahin sa lupa;
sapagkat dinaya ng iyong pangkukulam ang lahat ng mga bansa.
24 At(X) natagpuan sa kanya ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001