M’Cheyne Bible Reading Plan
25 “Kung magkaroon ng usapin ang mga tao at sila'y pumunta sa hukuman, at sila'y hahatulan; kanilang pawawalang-sala ang matuwid at parurusahan ang salarin.
2 Kung ang salarin ay nararapat hagupitin, padadapain siya ng hukom sa lupa, at hahagupitin sa kanyang harapan na may bilang ng hagupit ayon sa kanyang pagkakasala.
3 Apatnapung(A) hagupit ang ibibigay sa kanya, huwag lalampas; baka kung siya'y hagupitin niya nang higit sa bilang na ito, ang iyong kapatid ay maging hamak sa iyong paningin.
4 “Huwag(B) mong bubusalan ang baka kapag gumigiik.
Katungkulan para sa Namatay na Kapatid
5 “Kung(C) ang magkapatid ay naninirahang magkasama, at isa sa kanila'y namatay at walang anak, ang asawang babae ng namatay ay huwag mag-aasawa ng isang dayuhan o sa labas ng pamilya. Ang kapatid na lalaki ng kanyang asawa ay sisiping sa kanya, kukunin siya bilang asawa, at tutuparin sa kanya ang tungkulin ng kapatid na namatay.
6 Ang panganay na kanyang ipapanganak ay papalit sa pangalan ng kanyang kapatid na namatay upang ang kanyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
7 At(D) kung ayaw kunin ng lalaki ang asawa ng kanyang kapatid, ang asawa ng kanyang kapatid ay pupunta sa pintuang-bayan sa matatanda, at sasabihin, ‘Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kanyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng kapatid na namatay.’
8 Kung magkagayo'y tatawagin siya ng matatanda sa kanyang bayan at makikipag-usap sa kanya; at kung siya'y magpumilit at sabihin, ‘Ayaw kong kunin siya;’
9 ang asawa ng kanyang kapatid ay lalapit sa kanya sa harapan ng matatanda at huhubarin ang sandalyas sa kanyang mga paa, at luluraan siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, ‘Ganyan ang gagawin sa lalaking ayaw magtindig ng sambahayan ng kanyang kapatid.’
10 At ang kanyang pangala'y tatawagin sa Israel, ‘Ang bahay ng hinubaran ng sandalyas.’
Iba Pang mga Batas
11 “Kapag may dalawang lalaking nag-aaway at ang asawang babae ng isa ay lumapit upang iligtas ang kanyang asawa sa kamay ng nananakit sa kanya sa pamamagitan ng pag-uunat niya ng kanyang kamay at paghawak sa maselang bahagi ng lalaki,
12 iyo ngang puputulin ang kamay ng babae. Huwag kang magpapakita ng habag.
13 “Huwag(E) kang magkakaroon sa iyong supot ng dalawang uri ng pabigat, isang malaki at isang maliit.
14 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit.
15 Magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na pabigat; magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na takalan upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
16 Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng gayong mga bagay, ang lahat ng gumagawa ng pandaraya ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Diyos.
Ang Utos na Patayin ang mga Amalekita
17 “Alalahanin(F) mo ang ginawa sa iyo ng Amalek sa daan nang ikaw ay lumabas sa Ehipto;
18 kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at pinatay niya ang mga kahuli-hulihan sa iyo, ang lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at nanghihina; at siya'y hindi natakot sa Diyos.
19 Kaya't kapag binigyan ka ng Panginoon mong Diyos ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana upang angkinin ay iyong papawiin ang alaala ng Amalek sa ilalim ng langit; huwag mong kakalimutan.
116 Minamahal ko ang Panginoon, sapagkat kanyang dininig
ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagkat ikiniling niya ang kanyang pandinig sa akin,
kaya't ako'y tatawag sa kanya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang bitag ng kamatayan ay pumalibot sa akin,
ang mga hapdi ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
ako'y nagdanas ng pagkabahala at pagkadalamhati.
4 Nang magkagayo'y sa pangalan ng Panginoon ay tumawag ako:
“O Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang buhay ko!”
5 Mapagbiyaya at matuwid ang Panginoon,
oo, ang Diyos namin ay maawain.
6 Iniingatan ng Panginoon ang mga taong karaniwan;
ako'y naibaba at iniligtas niya ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, O kaluluwa ko;
sapagkat pinakitunguhan ka na may kasaganaan ng Panginoon.
8 Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan,
ang mga mata ko sa mga luha,
ang mga paa ko sa pagkatisod;
9 Ako'y lalakad sa harapan ng Panginoon
sa lupain ng mga buháy.
10 Ako'y(A) naniwala nang aking sinabi,
“Lubhang nahihirapan ako;”
11 sinabi ko sa aking pangingilabot,
“Lahat ng tao ay sinungaling.”
12 Ano ang aking isusukli sa Panginoon
sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking itataas ang saro ng kaligtasan,
at tatawag sa pangalan ng Panginoon,
14 tutuparin ko ang aking mga panata sa Panginoon,
sa harapan ng lahat ng kanyang bayan.
15 Mahalaga sa paningin ng Panginoon
ang kamatayan ng kanyang mga banal.
16 O Panginoon, ako'y iyong lingkod;
ako'y iyong lingkod, anak ng iyong lingkod na babae;
iyong kinalag ang aking mga gapos.
17 Ako'y mag-aalay sa iyo ng handog ng pasasalamat,
at tatawag sa pangalan ng Panginoon.
18 Tutuparin ko ang aking mga panata sa Panginoon,
sa harapan ng lahat ng kanyang bayan;
19 sa mga bulwagan ng bahay ng Panginoon,
sa gitna mo, O Jerusalem.
Purihin ang Panginoon!
Tutubusin ng Diyos ang Jerusalem
52 Gumising(A) ka, gumising ka!
Magsuot ka ng iyong kalakasan, O Zion.
Magsuot ka ng iyong magagandang damit,
O Jerusalem, ang banal na lunsod,
sapagkat ang hindi tuli at ang marumi
ay hindi na muling papasok sa iyo.
2 Magpagpag ka ng alabok, ikaw ay bumangon,
O bihag na Jerusalem.
Kalagin mo ang tali sa iyong leeg,
O bihag na anak na babae ng Zion.
3 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: “Kayo'y ipinagbili sa wala, at kayo'y tutubusin na walang salapi.
4 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Ehipto upang makipamayan doon, at inapi sila ng mga taga-Asiria ng walang kadahilanan.
5 Ngayon(B) anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon. Yamang ang aking bayan ay dinala nang walang dahilan? Ang mga namumuno sa kanila ay umuungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan ay laging hinahamak sa buong araw.
6 Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan. Malalaman nila sa araw na iyon, na ako ang nagsasalita. Narito ako.”
7 Napakaganda(C) sa mga bundok
ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan,
na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan,
na naghahayag ng kaligtasan,
na nagsasabi sa Zion, “Ang iyong Diyos ay naghahari!”
8 Pakinggan mo! Inilakas ng mga bantay ang kanilang tinig,
na magkakasamang nagsisiawit sa kagalakan;
sapagkat makikita ng sarili nilang mga mata
ang pagbalik ng Panginoon sa Zion.
9 Magalak kayong bigla, kayo'y umawit na magkakasama,
kayong mga sirang dako ng Jerusalem;
sapagkat inaliw ng Panginoon ang kanyang bayan,
kanyang tinubos ang Jerusalem.
10 Hinubaran ng Panginoon ang kanyang banal na bisig
sa mga mata ng lahat na bansa;
at makikita ng lahat ng dulo ng lupa
ang pagliligtas ng ating Diyos.
11 Kayo'y(D) humayo, kayo'y humayo! Kayo'y umalis doon,
huwag kayong humipo ng maruming bagay.
Kayo'y lumabas sa gitna niya, kayo'y magpakalinis,
kayong nagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
12 Sapagkat kayo'y hindi lalabas na nagmamadali,
o lalabas man kayo dahil sa pagtakas,
sapagkat ang Panginoon ay mauuna sa inyo;
at ang Diyos ng Israel ay magiging inyong bantay sa likod.
Ang Nagdurusang Lingkod ng Panginoon
13 Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay,
siya'y dadakilain at itataas,
at magiging napakataas.
14 Kung paanong marami ang namangha sa kanya[a]—
ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao,
at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—
15 gayon(E) siya magwiwisik sa maraming bansa;
ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya;
sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita,
at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.
Ang Ilog ng Buhay
22 At(A) ipinakita sa akin ng anghel[a] ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng kristal, na lumalabas mula sa trono ng Diyos at ng Kordero
2 sa(B) gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay naroon ang punungkahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan; at ang mga dahon ng punungkahoy ay para sa pagpapagaling sa mga bansa.
3 At(C) hindi na roon magkakaroon pa ng isinumpa. Ngunit ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan doon, at siya'y paglilingkuran ng kanyang mga alipin;
4 at makikita nila ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan ay masusulat sa kanilang mga noo.
5 Hindi(D) na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magbibigay-liwanag sa kanila, at sila'y maghahari magpakailanpaman.
Ang Pagdating ni Jesus
6 At sinabi niya sa akin, “Ang mga salitang ito'y tapat at tunay. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kanyang anghel upang ipakita sa kanyang mga alipin ang mga bagay na kailangang mangyari kaagad.
7 Ako'y malapit nang dumating![b] Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng propesiya ng aklat na ito.”
8 Akong si Juan ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako'y kapwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo.”
10 At sinabi niya sa akin, “Huwag mong tatakan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagkat malapit na ang panahon.
11 Ang(E) masama ay hayaang magpakasama pa at ang marumi ay hayaang magpakarumi pa, at ang matuwid ay hayaang maging matuwid pa, at ang banal ay hayaang magpakabanal pa.”
12 “Ako'y(F) malapit nang dumating[c] at dala ko ang aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.
13 Ako(G) ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.”
14 Mapapalad(H) ang naghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan.
15 Nasa labas ang mga aso, mga mangkukulam, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang bawat umiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
16 “Akong(I) si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesya. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.”
17 Ang(J) Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.”
At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.”
At ang nauuhaw ay pumarito,
ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
Mga Babala at Basbas
18 Aking(K) binabalaan ang bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga ito, idaragdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito,
19 at kung ang sinuman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punungkahoy ng buhay at sa banal na lunsod, na nakasulat sa aklat na ito.
20 Ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, ako'y malapit nang dumating.”[d] Amen. Pumarito ka Panginoong Jesus!
21 Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal. Amen.[e]
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001