Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 18

Nilibot ng mga tiktik ang buong lupain.

18 Nang mga araw na (A)yaon ay walang hari sa Israel: at nang panahong yaon ay humahanap ang (B)lipi ng mga Danita, ng isang mana na matatahanan; sapagka't hanggang sa araw na yaon, ay hindi nahuhulog sa mga lipi ng Israel ang kanilang mana.

At ang mga anak ni Dan ay nagsugo ng limang lalake ng kanilang angkan, sa kanilang kabuoang bilang, ng mga lalaking may tapang, na mula sa (C)Sora, at sa Esthaol, upang tiktikan ang lupain, at kilalanin; at sinabi nila sa kanila, Kayo'y yumaon, at inyong (D)kilalanin ang lupain. At sila'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas, at tumuloy roon.

Nang sila'y malapit sa bahay ni Michas, ay nakilala nila ang tinig ng binatang Levita: at sila'y lumiko roon, at sinabi nila sa kaniya, Sinong nagdala sa iyo rito? at ano ang iyong ginagawa sa dakong ito? at anong mayroon ka rito?

At sinabi niya sa kanila, Ganito't ganito ang ginawa sa akin ni Michas, at kaniyang kinayaring upahan ako, at ako'y (E)naging kaniyang saserdote.

At sinabi nila sa kaniya, (F)Isinasamo namin sa iyo na usisain mo sa (G)Dios, upang aming maalaman, kung ang aming lakad ay papalarin.

At sinabi ng saserdote sa kanila, (H)Yumaon kayong payapa: nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran.

Nang magkagayo'y lumakad ang limang lalake at dumating sa (I)Lais, at nakita ang bayan na naroon, kung paanong sila'y tumatahan sa katiwasayan, na gaya ng mga Sidonio, na (J)tahimik at tiwasay: sapagka't wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay, at malayo sa mga Sidonio, at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman.

At sila'y naparoon sa kanilang mga kapatid sa (K)Sora at Esthaol: at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila, Ano kayo?

(L)At kanilang sinabi, Kayo'y bumangon at tayo'y umahon laban sa kanila: sapagka't aming nakita ang lupain, at, narito, (M)napakabuti: at natatamad ba kayo? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain.

10 Paglakad ninyo'y darating kayo sa isang (N)bayang tiwasay, at ang lupain ay malaki: sapagka't ibinigay ng Dios sa inyong (O)kamay, isang dakong walang kakailanganing anomang bagay na nasa lupa.

Kinuha ng Danita ang mga larawan ni Michas, at kinuha ang lais.

11 At umalis mula roon ang ilan sa angkan ng mga Danita, mula sa Sora at sa Esthaol, na anim na raang lalake na may sandata ng mga kasakbatan na pangdigma.

12 At sila'y yumaon, at humantong sa (P)Chiriath-jearim, sa Juda; kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan (Q)hanggang sa araw na ito: narito, ito'y nasa likod ng Chiriath-jearim.

13 At sila'y nagdaan doon hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at naparoon sa bahay ni Michas.

14 Nang magkagayo'y sumagot ang limang lalake na tumiktik ng lupain ng Lais, at sinabi sa kanilang mga kapatid, (R)Nalalaman ba ninyo na mayroon sa mga bahay na ito na isang epod, at mga terap, at isang larawang inanyuan, at isang larawang binubo? ngayon nga'y akalain ninyo ang marapat ninyong gawin.

15 At sila'y lumiko roon, at naparoon sa bahay ng binatang Levita, sa makatuwid baga'y hanggang sa bahay ni Michas, at (S)tinanong nila siya ng kaniyang kalagayan.

16 At (T)ang anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatan na pangdigma, na pawang mga anak ni Dan, ay nagsitayo sa pasukan ng pintuang-bayan.

17 At (U)ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon, at kinuha ang larawang inanyuan, at ang epod, at ang mga terap, at ang (V)larawang binubo, at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma.

18 At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas, at makuha ang larawang inanyuan, ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, ay sinabi ng saserdote sa kanila, Ano ang inyong gagawin?

19 At sinabi nila sa kaniya, Pumayapa ka, (W)itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin, at maging (X)ama at saserdote ka namin: magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel?

20 At natuwa ang (Y)puso ng saserdote, at kaniyang kinuha ang epod, at ang mga terap, at ang larawang inanyuan, at yumaon sa gitna ng bayan.

21 Sa gayo'y bumalik sila, at yumaon, at inilagay ang mga bata at ang kawan, at ang mga (Z)daladalahan, sa unahan nila.

22 Nang sila'y malayo na sa bahay ni Michas, ang mga lalaking nasa mga bahay na kalapit ng bahay ni Michas ay nagpipisan at inabot ang mga anak ni Dan.

23 At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan. At inilingon nila ang kanilang mga mukha, at sinabi kay Michas, Anong mayroon ka, na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong?

24 At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang (AA)aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka?

25 At sinabi ng mga anak ni Dan sa kaniya, Huwag ng marinig ang iyong tinig, baka daluhungin ka ng mga mapusok na kasama, at iyong iwala ang iyong buhay, pati ng buhay ng iyong sangbahayan.

26 At ipinagpatuloy ng mga anak ni Dan ang kanilang lakad: at nang makita ni Michas na sila'y totoong malakas kay sa kaniya, ay bumalik at umuwi sa kaniyang bahay.

27 At kanilang kinuha ang ginawa ni Michas, at ang saserdote na kaniyang tinatangkilik, at (AB)naparoon sa Lais, sa bayang tahimik at tiwasay, (AC)at sinaktan nila ng talim ng tabak: at sinunog nila ang bayan.

28 At walang magligtas, sapagka't (AD)malayo sa Sidon, at sila'y walang pakikipagkasundo sa kanino man, at nasa libis na lumalaganap sa dakong (AE)Bethrehob. At kanilang itinayo ang bayan, at tinahanan nila.

29 At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan, ayon sa pangalan ni (AF)Dan na kanilang ama na (AG)ipinanganak sa Israel: gayon ma'y ang pangalan ng bayan nang una ay (AH)Lais.

30 At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni (AI)Dan ang larawang inanyuan: at si Jonathan na anak ni Gerson, na anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain.

31 Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa, sa (AJ)buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo.

Mga Gawa 22

22 (A)Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo.

At nang marinig nilang sila'y kinakausap niya (B)sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya,

Ako'y (C)Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni (D)Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon:

At (E)aking pinagusig ang Daang (F)ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.

Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: (G)na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.

At (H)nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko.

At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.

At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, (I)datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin.

10 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo.

11 At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco.

12 At (J)isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon,

13 (K)Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya.

14 At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay (L)itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo (M)ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig.

15 Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa (N)mga bagay na iyong nakita at narinig.

16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at (O)ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

17 At nangyari, na, nang ako'y (P)makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay (Q)nawalan ako ng diwa,

18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.

19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo:

20 At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at (R)sinasangayunan ko, at (S)iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay.

21 At sinabi niya sa akin, Yumaon ka: (T)sapagka't susuguin kita sa malayo sa mga Gentil.

22 At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito; at sila'y nangagtaas ng kanilang tinig, at nangagsabi, (U)Alisin sa lupa ang isang gayong tao: sapagka't hindi marapat (V)na siya'y mabuhay.

23 At samantalang sila'y nangagsisigawan, at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit, at nangagsasabog ng alabok sa hangin,

24 Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya'y ipasok (W)sa kuta, na ipinaguutos na siya'y sulitin sa pamamagitan ng hampas, upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila'y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya.

25 At nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit, (X)Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma, na hindi pa nahahatulan?

26 At nang ito'y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya'y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka't ang taong ito ay taga Roma.

27 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga'y taga Roma? At sinabi niya, Oo.

28 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni't ako'y katutubong taga Roma.

29 Pagkaraka nga'y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana'y susulit: at ang pangulong kapitan din naman ay (Y)natakot nang maalamang siya'y taga Roma, at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya.

30 Datapuwa't nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at (Z)pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila.

Jeremias 32

Si Jeremias ay ibinilanggo.

32 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon (A)nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda (B)na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor.

Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong (C)sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.

Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, (D)Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin:

At si (E)Sedechias na hari sa Juda ay (F)hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo, kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at makikipagusap sa kaniya ng bibig, at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata;

At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia, at siya'y doroon hanggang sa dalawin ko siya, sabi ng Panginoon: bagaman kayo'y magsilaban sa mga Caldeo, hindi kayo magsisiginhawa?

Ipinabili kay Jeremias ang lupain sa Anathoth.

At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi:

Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: (G)sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin.

Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon.

At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at (H)tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak.

10 At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at (I)aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan.

11 Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:

12 At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay (J)Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan.

13 At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi,

14 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan (K)ay mangabibili pa uli sa lupaing ito.

Si Jeremias ay nanalangin upang maliwanagan.

16 Pagkatapos nga na aking maibigay (L)ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi,

17 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; (M)walang bagay na totoong napakahirap sa iyo:

18 Na (N)ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang (O)Dios, ang (P)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

19 (Q)Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa,

20 Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito;

21 At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at (R)ng malaking kakilabutan,

22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito (S)na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, (T)lupain na binubukalan ng gatas at pulot,

23 At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't (U)hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.

24 Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.

25 At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, (V)iyong bilhin ng salapi ang parang, at (W)ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.

Itinadhana ang pagkabihag dahil sa pagsuway ng Israel.

26 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

27 Narito, ako ang Panginoon, ang (X)Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin?

28 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin,

29 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay (Y)na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit.

30 Sapagka't ang ginawa (Z)lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit (AA)ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon.

31 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha.

32 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, (AB)sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem.

33 At (AC)kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, (AD)na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo.

34 Kundi (AE)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.

35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin (AF)sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae (AG)kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; (AH)na pinapagkasala ang Juda.

Pagbabalik mula sa pagkabihag ay ipinangako.

36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot:

37 Narito, (AI)aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.

38 At sila'y magiging aking bayan, (AJ)at ako'y magiging kanilang Dios:

39 At bibigyan ko sila ng isang puso (AK)at ng isang daan, (AL)upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:

40 At (AM)ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: (AN)at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.

41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag (AO)sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa.

42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (AP)Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila.

43 At mga parang ay (AQ)mabibili sa lupaing ito, (AR)na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo.

44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at (AS)mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, (AT)sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.

Mga Awit 1-2

UNANG AKLAT

Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.

Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.

Bakit ang mga bansa ay (I)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (J)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
(K)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay (L)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (M)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (N)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
(O)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (P)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (Q)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (R)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(S)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978