M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang paghabol ni Saul kay David sa Keila.
23 At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, Narito, ang mga Filisteo ay nakikipaglaban sa (A)Keila, at kanilang ninanakaw ang mga giikan.
2 Kaya't sumangguni (B)si David sa Panginoon, na nagsasabi, Yayaon ba ako at aking sasaktan ang mga Filisteong ito? At sinabi ng Panginoon kay David, Yumaon ka at iyong saktan ang mga Filisteo, at iligtas mo ang Keila.
3 At sinabi ng mga lalake ni David sa kaniya, Narito, tayo'y natatakot dito sa Juda: gaano pa nga kaya kung tayo ay pumaroon sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo?
4 Nang magkagayo'y sumangguni uli si David sa Panginoon. At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi, Bumangon ka at lumusong ka sa Keila; sapagka't aking (C)ibibigay ang mga Filisteo, sa iyong kamay.
5 At si David at ang kaniyang mga lalake ay naparoon sa Keila, at bumaka sa mga Filisteo, at dinala ang kanilang kawan, at pinatay nila sila ng malaking pagpatay. Gayon iniligtas ni David ang mga tumatahan sa Keila.
6 At nangyari (D)nang makatakas si Abiathar na anak ni Ahimelech kay David sa Keila, na siya'y lumusong na may isang epod sa kaniyang kamay.
7 At nasaysay kay Saul na si David ay naparoon sa Keila. At sinabi ni Saul, Ibinigay ng Dios siya sa aking kamay; sapagka't siya'y nasarhan sa kaniyang pagpasok sa isang bayan na mayroong mga pintuang-bayan at mga halang.
8 At tinawag ni Saul ang buong bayan sa pakikidigma, upang lumusong sa Keila na kubkubin si David at ang kaniyang mga tao.
9 At naalaman ni David na nagiisip si Saul ng masama laban sa kaniya; at (E)kaniyang sinabi kay Abiathar na saserdote, Dalhin mo rito ang epod.
10 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tunay na nabalitaan ng iyong lingkod na pinagsisikapan ni Saul na pumaroon sa Keila, (F)upang ipahamak ang bayan dahil sa akin.
11 Ibibigay ba ako ng mga tao sa Keila sa kaniyang kamay? lulusong ba si Saul ayon sa nabalitaan ng iyong lingkod? Oh Panginoon, na Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo, na saysayin mo sa iyong lingkod. At sinabi ng Panginoon, Siya'y lulusong.
12 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ibibigay ba ng mga tao sa Keila ako at ang aking mga tao sa kamay ni Saul? At sinabi ng Panginoon, Ibibigay ka nila.
13 (G)Nang magkagayo'y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan, ay tumindig at umalis sa Keila, at naparoon kung saan sila makakaparoon. At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila, at siya'y tumigil ng paglabas.
14 At si David ay tumahan sa ilang sa mga katibayan, at nanira sa lupaing maburol sa ilang ng (H)Ziph. At pinag-uusig siya ni Saul araw-araw, nguni't hindi siya ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay.
Sinariwa ang sumpaan ni Jonathan at ni David.
15 At nakita ni David na lumalabas si Saul upang usigin ang kaniyang buhay: at si David ay nasa ilang ng Ziph sa gubat.
16 (I)At si Jonathan na anak ni Saul ay bumangon, at naparoon kay David sa gubat, at pinagtibay ang kaniyang kamay sa Dios.
17 At sinabi niya sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama; at ikaw ay magiging hari sa Israel, at ako'y magiging pangalawa mo; (J)at nalalamang gayon ni Saul na aking ama.
18 (K)At silang dalawa ay nagtipanan (L)sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay.
19 (M)Nang magkagayo'y inahon ng mga Zipheo si Saul, sa Gabaa, na sinasabi, Hindi ba nagkukubli sa amin si David sa mga katibayan sa gubat, sa (N)burol ng Hachila, na nasa timugan ng ilang?
20 Ngayon nga, Oh hari, lumusong ka, ayon sa buong adhika ng iyong kalooban na lumusong; at ang aming bahagi ay ibibigay sa kamay ng hari.
21 At sinabi ni Saul, (O)Pagpalain nawa kayo ng Panginoon; sapagka't kayo'y nahabag sa akin.
22 Kayo'y yumaon, isinasamo ko sa inyo, inyong turuling maigi, at alamin at tingnan ang kaniyang kinaroroonan, at kung sino ang nakakita sa kaniya roon: sapagka't nasaysay sa akin na siya'y nagpapakatalino.
23 Inyo ngang tingnan, at alamin ang mga kublihang dako na kaniyang pinagtataguan, at bumalik kayo sa akin na may katunayan, at ako'y paroroong kasama ninyo: at mangyayari, kung siya'y nasa lupain, ay aking sisiyasatin siya sa gitna ng lahat ng mga libolibo sa Juda.
24 At sila'y tumindig at naparoon sa Ziph na nagpauna kay Saul: nguni't si David at ang kaniyang mga tao ay (P)nasa ilang ng Maon sa Araba sa timugan ng ilang.
25 At si Saul at ang kaniyang mga tao ay naparoon upang pag-usigin siya. At kanilang sinaysay kay David: kaya't siya'y lumusong sa burol na bato at tumahan sa ilang ng Maon. At nang mabalitaan ni Saul, kaniyang hinabol si David sa ilang ng Maon.
26 At naparoon si Saul sa dakong ito ng bundok, (Q)at si David at ang kaniyang mga tao ay sa dakong yaon ng bundok: at si David ay nagmadaling umalis dahil sa takot kay Saul; sapagka't kinukubkob ni Saul at ng kaniyang mga tao si David at ang kaniyang mga tao upang sila'y hulihin.
27 (R)Nguni't dumating ang isang sugo kay Saul, na nagsasabi, Magmadali ka at parito ka; sapagka't ang mga Filisteo ay sumalakay sa lupain.
28 Sa gayo'y bumalik si Saul na mula sa paghabol kay David, at naparoon laban sa mga Filisteo: kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Sela-hammahlecoth.[a]
29 At si David ay umahon mula roon, at tumahan sa mga katibayan ng En-gaddi.
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (A)mga ministro ni Cristo, (B)at mga katiwala ng (C)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (D)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (E)siyasatin ninyo, o ng (F)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (G)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (H)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga (I)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
6 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay (J)inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; (K)upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? (L)at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (M)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (N)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (O)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (P)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (Q)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (R)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong (S)tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (T)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, (U)na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si (V)Timoteo, (W)na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, (X)gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
19 Nguni't ako'y paririyan (Y)agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Anong ibig ninyo? (Z)paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan?
Ang tawag sa Propeta.
2 At sinabi niya sa akin, (A)Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu (B)ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
4 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (C)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.
5 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (D)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.
6 At ikaw, anak ng tao, (E)huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
7 At iyong sasalitain (F)ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.
8 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (G)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.
9 At nang ako'y tumingin, narito, (H)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (I)ay nandoon;
10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (J)sa loob at sa labas; at may (K)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.
Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni (A)David, sa pagaalaala.
38 Oh Panginoon, (B)huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 Sapagka't ang (C)iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At (D)pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
3 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
(E)Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4 Sapagka't ang (F)aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay (G)napakabigat sa akin.
5 (H)Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
6 Ako'y nahirapan at ako'y (I)nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
7 Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
8 Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
(J)Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
9 Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa (K)liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 (L)Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak (M)ay nakalayo.
12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay (N)nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
(O)At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
(P)At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16 Sapagka't aking sinabi: (Q)Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
(R)Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay (S)dumami.
20 (T)Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, (U)sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22 Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978