Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
7 Mga minamahal, (A)wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos (B)na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
8 Muli, (C)isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; (D)sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at (E)ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.
9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hangga ngayon.
10 (F)Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y (G)walang anomang kadahilanang ikatitisod.
11 Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978