Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God

40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Colosas 3:12-17

12 Mangagbihis nga kayo (A)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (B)ng isang pusong mahabagin, ng (C)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (D)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:

14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (E)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (F)na diya'y tinawag din naman kayo (G)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.

16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (H)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

17 At anomang inyong ginagawa, (I)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978