Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (A)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (B)sa mga anak ng pagsuway.
7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8 Sapagka't noong panahon (C)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (D)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (E)anak ng kaliwanagan
9 (Sapagka't (F)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatutunayan (G)ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa (H)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagka't ang mga bagay na (I)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14 Kaya sinasabi niya, (J)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat (K)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (L)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At (M)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
19 Na kayo'y mangagusapan (N)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
20 Na kayo'y laging magpasalamat (O)sa lahat ng mga bagay (P)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (Q)Dios na ating Ama;
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978