Chronological
Ang mga Taong Nanirahan sa Jerusalem
11 Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem; at ang iba naman sa taong-bayan ay nagpalabunutan upang kunin ang isa sa bawat sampu na maninirahan sa Jerusalem, na lunsod na banal, habang ang siyam na bahagi ay nanatili sa ibang mga bayan.
2 Binasbasan ng taong-bayan ang lahat ng mga lalaki na nagkusang tumira sa Jerusalem.
3 Ang(A) mga ito ang mga puno sa lalawigan na nanirahan sa Jerusalem; ngunit sa bayan ng Juda ay nanirahan ang bawat isa sa kanya-kanyang ari-arian sa kanilang mga bayan: ang Israel, mga pari, mga Levita, mga lingkod sa templo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon.
4 Sa Jerusalem ay nanirahan ang ilan sa mga anak ni Juda at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Ataias na anak ni Uzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Shefatias na anak ni Mahalalel, sa mga anak ni Perez;
5 at si Maasias na anak ni Baruc, na anak ni Colhoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaya, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Shilonita.
6 Ang lahat ng mga anak ni Perez na nanirahan sa Jerusalem ay apatnaraan at animnapu't walong matatapang na mandirigma.
7 At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Sallu na anak ni Mesulam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaya, na anak ni Kolaias, na anak ni Maasias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jeshaias.
8 Kasunod niya ay si Gabai, si Sallai, na siyamnaraan at dalawampu't walo.
9 At si Joel na anak ni Zicri ang kanilang tagapamahala; at si Juda na anak ni Hasenua ang pangalawa sa lunsod.
10 Sa mga pari: sina Jedias na anak ni Joiarib, Jakin,
11 Seraya na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Diyos,
12 at ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawampu't dalawa; at si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia,
13 at ang kanyang mga kapatid, na mga puno sa mga sambahayan ng mga ninuno, dalawandaan at apatnapu't dalawa; at si Amasai na anak ni Azarel, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemot, na anak ni Imer,
14 at ang kanilang mga kapatid, matatapang na mandirigma, isandaan at dalawampu't walo; at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Hagedolim.
15 At sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub, na anak ni Azricam, na anak ni Hashabias, na anak ni Buni;
16 at si Sabetai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na silang namahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Diyos;
17 at si Matanias, na anak ni Mica, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaf, na siyang pinuno upang pasimulan ang pagpapasalamat sa panalangin, at si Bakbukias, ang ikalawa sa kanyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun.
18 Lahat ng mga Levita sa lunsod na banal ay dalawandaan at walumpu't apat.
19 Ang mga bantay-pinto na sina Akub, Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nagbabantay sa mga pintuan ay isandaan at pitumpu't dalawa.
20 At ang iba pa sa Israel, sa mga pari, at sa mga Levita ay nasa lahat ng mga bayan ng Juda, bawat isa'y sa kanya-kanyang mana.
21 Ngunit ang mga lingkod sa templo ay tumira sa Ofel; at sina Ziha at Gispa ay namuno sa mga lingkod sa templo.
22 Ang tagapamahala sa mga Levita na nasa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani, na anak ni Hashabias, na anak ni Matanias, na anak ni Mica, sa mga anak ni Asaf, na mga mang-aawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Diyos.
23 Sapagkat may utos mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang panustos para sa mga mang-aawit, ayon sa kailangan sa bawat araw.
24 At si Petaya na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zera na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng mga bagay na tungkol sa mga tao.
Ang mga Tao sa Iba Pang mga Bayan at Lunsod
25 At tungkol sa mga nayon, pati ang kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nanirahan sa Kiryat-arba at sa mga nayon nito, at sa Dibon at sa mga nayon nito, at sa Jecabzeel at sa mga nayon nito;
26 at sa Jeshua, Molada, at Bet-pelet;
27 sa Hazarshual, sa Beer-seba, at sa mga nayon nito;
28 sa Siclag, Mecona, at sa mga nayon nito;
29 sa Enrimmon, Sora, at sa Jarmut;
30 sa Zanoa, sa Adullam, at sa mga nayon nito, sa Lakish at sa mga parang nito, sa Azeka at sa mga nayon nito. Gayon sila nagkampo mula sa Beer-seba hanggang sa libis ng Hinom.
31 Ang mga anak ni Benjamin ay nanirahan din mula sa Geba, hanggang sa Mikmas, Aia, at sa Bethel at sa mga nayon nito;
32 sa Anatot, Nob, at sa Ananias;
33 sa Hazor, Rama, Gitaim;
34 Hadid, Zeboim, Neballat;
35 Lod, at sa Ono na libis ng mga manggagawa.
36 Ilan sa mga pangkat ng Levita sa Juda ay isinama sa Benjamin.
Ang Talaan ng mga Pari at mga Levita
12 Ang mga ito ang mga pari at ang mga Levita na umahong kasama ni Zerubabel na anak ni Shealtiel, at ni Jeshua: sina Seraya, Jeremias, Ezra;
2 Amarias; Malluc, Hatus;
3 Shecanias, Rehum, Meremot;
4 Iddo, Ginetoi, Abias;
5 Mijamin, Maadias, Bilga;
6 Shemaya, Joiarib, Jedias;
7 Sallu, Amok, Hilkias, at si Jedias. Ang mga ito ang mga puno ng mga pari at ng kanilang mga kapatid sa mga araw ni Jeshua.
8 At ang mga Levita: sina Jeshua, Binui, Cadmiel, Sherebias, Juda, at Matanias, na kasama ng kanyang mga kapatid na namahala sa mga awit ng pasasalamat.
9 Sina Bakbukias at Uni na kanilang mga kapatid ay tumayong kaharap nila sa paglilingkod.
10 Si Jeshua ay siyang ama ni Joiakim, si Joiakim ay ama ni Eliasib, si Eliasib ang ama ni Joiada,
11 si Joiada ang ama ni Jonathan at si Jonathan ang ama ni Jadua.
Mga Puno ng Angkan ng mga Pari
12 At sa mga araw ni Joiakim ay ang mga pari, na mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang: kay Seraya, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;
13 kay Ezra, si Mesulam; kay Amarias, si Jehohanan;
14 kay Melica, si Jonathan; kay Sebanias, si Jose;
15 kay Harim, si Adna; kay Meraiot, si Helcai;
16 kay Iddo, si Zacarias; kay Gineton, si Mesulam;
17 kay Abias, si Zicri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;
18 kay Bilga, si Samua; kay Shemaya, si Jonathan;
19 at kay Joiarib, si Matenai; kay Jedias, si Uzi;
20 kay Sallai, si Kallai; kay Amok, si Eber;
21 Kay Hilkias, si Hashabias; kay Jedias, si Natanael.
Talaan ng Sambahayan ng mga Pari at mga Levita
22 Tungkol sa mga Levita, sa mga araw nina Eliasib, Joiada, Johanan, at ni Jadua, ay naitala ang mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno; gayundin ang mga pari hanggang sa paghahari ni Dario na taga-Persia.
23 Ang mga anak ni Levi, na mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang ay nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.
Ang Pagbabaha-bahagi ng mga Gawain sa Templo
24 Ang mga puno ng mga Levita: sina Hashabias, Sherebias, at si Jeshua na anak ni Cadmiel, at ang kanilang mga kapatid na naglingkod sa tapat nila upang magpuri at magpasalamat, ayon sa utos ni David na tao ng Diyos, pangkat sa bawat pangkat.
25 Sina Matanias, Bakbukias, Obadias, Mesulam, Talmon, at Akub ay mga bantay-pinto, na nagbabantay sa mga kamalig na nasa malapit sa pintuan.
26 Ang mga ito'y sa mga araw ni Joiakim na anak ni Jeshua, na anak ni Josadak, at sa mga araw ni Nehemias na tagapamahala at ng paring si Ezra na eskriba.
Itinalaga ni Nehemias ang Pader ng Lunsod
27 Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita sa lahat nilang mga dako, upang dalhin sila sa Jerusalem at ipagdiwang ang pagtatalaga na may kagalakan, may mga pagpapasalamat at may mga awitan, may mga pompiyang, mga salterio, at mga alpa.
28 Ang mga anak ng mga mang-aawit ay sama-samang nagtipon mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng mga Netofatita;
29 at mula rin naman sa Bet-gilgal at mula sa mga bahagi ng Geba at ng Azmavet: sapagkat nagtayo para sa kanilang sarili ang mga mang-aawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.
30 At ang mga pari at ang mga Levita ay naglinis ng kanilang mga sarili; at nilinis nila ang taong-bayan at ang mga pintuan at ang pader.
31 Pagkatapos ay isinama ko ang mga pinuno ng Juda sa ibabaw ng pader, at humirang ng dalawang malaking pulutong na nagpasalamat at sunud-sunod na lumakad. Ang isa'y tumungo sa kanan sa ibabaw ng pader sa dako ng Pintuan ng Tapunan ng Dumi;
32 at sumusunod sa kanila si Hoshaias at ang kalahati sa mga pinuno ng Juda,
33 at sina Azarias, Ezra, Mesulam,
34 Juda, Benjamin, Shemaya, at Jeremias,
35 at ang iba sa mga anak ng mga pari na may mga trumpeta: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Shemaya, na anak ni Matanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaf;
36 at ang kanyang mga kapatid na sina Shemaya, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Natanael, Juda, at si Hanani, na may mga kagamitang panugtog ni David na tao ng Diyos; at si Ezra na eskriba ay nasa unahan nila.
37 Sa Pintuang Bukal, sa harapan nila, ay umakyat sila sa pamamagitan ng mga baytang ng lunsod ni David, sa akyatan sa pader, sa ibabaw ng bahay ni David, hanggang sa Pintuan ng Tubig sa dakong silangan.
38 Ang isa pang pulutong ng mga nagpapasalamat ay nagtungo sa kaliwa, at ako'y sumunod sa hulihan nila na kasama ko ang kalahati ng taong-bayan, sa ibabaw ng pader, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, hanggang sa Maluwang na Pader;
39 at sa ibabaw ng Pintuan ng Efraim, at sa tabi ng Matandang Pintuan at sa may Pintuan ng Isda, at sa Tore ng Hananel, at sa Tore ng Isandaan, hanggang sa Pintuan ng mga Tupa; at sila'y huminto sa Pintuan ng Bantay.
40 Kaya't ang mga pulutong na nagpasalamat ay parehong tumayo sa bahay ng Diyos, at ako at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko;
41 at ang mga paring sina Eliakim, Maasias, Miniamin, Micaya, Elioenai, Zacarias, at si Hananias, na may mga trumpeta;
42 at si Maasias, Shemaya, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malkia, Elam, at si Eser. At ang mga mang-aawit ay nagsiawit na kasama si Jezrahias bilang kanilang pinuno.
43 At sila'y naghandog ng malalaking alay nang araw na iyon, at nagalak, sapagkat sila'y pinagalak ng Diyos ng malaking pagkagalak. Ang mga babae at ang mga bata ay nagalak din. At ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.
44 Nang araw na iyon ay hinirang ang mga lalaki upang mangasiwa sa mga silid para sa mga imbakan, sa mga ambag, sa mga unang bunga, at sa mga ikasampung bahagi, upang tipunin sa mga iyon ang mga bahaging itinakda ng kautusan para sa mga pari at sa mga Levita ayon sa mga bukid ng mga bayan; sapagkat ang Juda ay nagalak sa mga pari at sa mga Levita na naglingkod.
45 Kanilang(B) ginawa ang paglilingkod sa kanilang Diyos, at ang paglilingkod ng paglilinis, gaya ng ginawa ng mga mang-aawit at mga bantay-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Solomon na kanyang anak.
46 Sapagkat sa mga araw ni David at ni Asaf nang una ay may pinuno ng mga mang-aawit, at may mga awit ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.
47 Ang buong Israel sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias ay nagbigay ng mga pang-araw-araw na bahagi sa mga mang-aawit at sa mga bantay-pinto, at kanilang itinalaga sa mga Levita; at ibinukod ng mga Levita ang para sa mga anak ni Aaron.
Paghiwalay sa mga Taga-ibang Bansa
13 Nang(C) araw na iyon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pandinig ng taong-bayan; at doo'y natagpuang nakasulat na walang Ammonita o Moabita na dapat pumasok sa kapulungan ng Diyos magpakailanman;
2 sapagkat(D) hindi nila pinasalubungan ang mga anak ni Israel ng tinapay at tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila—gayunma'y ginawang pagpapala ng aming Diyos ang sumpa.
3 Nang marinig ng taong-bayan ang kautusan, inihiwalay nila sa Israel ang lahat ng nagmula sa ibang mga bansa.
Mga Pagbabagong Isinagawa ni Nehemias
4 Bago nangyari ito, ang paring si Eliasib, na hinirang na mangasiwa sa mga silid ng bahay ng aming Diyos, at isang kamag-anak ni Tobias,
5 ay naghanda para kay Tobias ng isang malaking silid na dati nilang pinag-iimbakan ng mga handog na butil, mga kamanyang, mga sisidlan, mga ikasampung bahagi ng trigo, alak, at ng langis, na ibinigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, sa mga mang-aawit, at sa mga bantay-pinto; at ang mga kaloob para sa mga pari.
6 Nang mangyari ito ay wala ako sa Jerusalem, sapagkat sa ikatatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes na hari ng Babilonia ay pumaroon ako sa hari. At pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari
7 at dumating sa Jerusalem. Doon ko natuklasan ang kasamaang ginawa ni Eliasib para kay Tobias, na ipinaghanda niya ito ng isang silid sa mga bulwagan ng bahay ng Diyos.
8 Ako'y galit na galit, kaya't aking inihagis ang lahat ng kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.
9 Pagkatapos ay nag-utos ako at nilinis nila ang mga silid; at aking ibinalik roon ang mga kagamitan mula sa bahay ng Diyos, pati ang mga handog na butil at ang kamanyang.
10 Natagpuan(E) ko rin na ang bahagi ng mga Levita ay hindi naibigay sa kanila; kaya't ang mga Levita at ang mga mang-aawit na nagsigawa ng gawain ay tumakas sa kanya-kanyang bukid.
11 Kaya't nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, “Bakit pinababayaan ang bahay ng Diyos?” At tinipon ko sila at inilagay sa kani-kanilang mga lugar.
12 Nang(F) magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasampung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis sa mga bahay-imbakan.
13 Hinirang kong mga ingat-yaman sa mga bahay-imbakan sina Shelemias na pari, si Zadok na eskriba, at sa mga Levita, si Pedaya; at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zacur, na anak ni Matanias: sapagkat sila'y ibinilang na mga tapat; at ang kanilang katungkulan ay mamahagi sa kanilang mga kapatid.
14 Alalahanin mo ako, O aking Diyos, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mabubuting gawa na aking ginawa para sa bahay ng aking Diyos at para sa kanyang paglilingkod.
15 Nang(G) mga araw na iyon ay nakakita ako sa Juda ng mga lalaking nagpipisa sa mga ubasan sa araw ng Sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at isinasakay sa mga asno, gayundin ng alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng Sabbath. Binalaan ko sila nang panahong iyon laban sa pagtitinda ng pagkain.
16 Gayundin ang mga lalaki mula sa Tiro, na naninirahan sa lunsod, ay nagpasok ng isda at ng lahat ng uri ng kalakal, at ipinagbili sa araw ng Sabbath sa mga mamamayan ng Juda at ng Jerusalem.
17 Kaya't nakipagtalo ako sa mga maharlika sa Juda, at sinabi ko sa kanila, “Ano itong masamang bagay na inyong ginagawa, na inyong nilalapastangan ang araw ng Sabbath?
18 Hindi ba ganito ang ginawa ng inyong mga ninuno, at hindi ba dinala ng ating Diyos ang lahat ng kasamaang ito sa atin, at sa lunsod na ito? Gayunma'y nagdadala kayo ng higit pang poot sa Israel sa pamamagitan ng paglapastangan sa Sabbath.”
19 Nang nagsisimula nang dumilim sa mga pintuan ng Jerusalem bago ang Sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay dapat sarhan at nagbigay ng mga utos na ang mga iyon ay huwag buksan hanggang sa lumipas ang Sabbath. Inilagay ko ang ilan sa aking mga lingkod sa mga pintuan upang walang maipasok na pasan sa araw ng Sabbath.
20 Sa gayo'y ang mga mangangalakal at mga nagtitinda ng lahat ng uri ng kalakal ay nagpalipas ng magdamag sa labas ng Jerusalem minsan o makalawa.
21 Ngunit binalaan ko sila at sinabi sa kanila, “Bakit kayo'y nagpalipas ng magdamag sa harapan ng pader? Kapag muli ninyong ginawa ang ganyan, pagbubuhatan ko kayo ng kamay.” Mula nang panahong iyon ay hindi na sila dumating pa nang Sabbath.
22 Inutusan ko ang mga Levita na sila'y maglinis ng sarili, at pumaroon at bantayan ang mga pintuan upang ipangilin ang araw ng Sabbath. Alalahanin mo rin ito alang-alang sa akin, O aking Diyos, at kahabagan mo ako ayon sa kadakilaan ng iyong tapat na pag-ibig.
23 Nang(H) mga araw ding iyon ay nakita ko ang mga Judio na nag-asawa ng mga babaing taga-Asdod, Ammon, at Moab;
24 at kalahati sa kanilang mga anak ay nagsasalita ng wikang Asdod, at hindi sila makapagsalita sa wika ng Juda, kundi ayon sa wika ng bawat bayan.
25 At ako'y nakipagtalo sa kanila, sinumpa ko sila, sinaktan ko ang iba sa kanila, sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pangalan ng Diyos, na sinasabi, “Huwag ninyong ibibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, ni kukunin man ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.
26 Hindi(I) ba't nagkasala si Solomon na hari ng Israel dahil sa ganyang mga babae? Sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya, at siya'y minahal ng kanyang Diyos, at ginawa siya ng Diyos na hari sa buong Israel, gayunma'y ibinunsod siya sa pagkakasala ng mga babaing banyaga.
27 Makikinig ba kami sa inyo at gagawin ang lahat ng ganitong malaking kasamaan at magtataksil laban sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa sa mga babaing banyaga?”
28 At(J) isa sa mga anak ni Jehoiada, na anak ni Eliasib na pinakapunong pari, ay manugang ni Sanballat na Horonita; kaya't pinalayas ko siya sa aking harapan.
29 Alalahanin mo sila, O Diyos ko, sapagkat kanilang dinumihan ang pagkapari, ang tipan ng pagkapari at ang mga Levita.
30 Sa gayo'y nilinis ko sila sa lahat ng mga bagay na banyaga, at itinatag ko ang mga katungkulan ng mga pari at ng mga Levita, bawat isa'y sa kanyang gawain;
31 at naglaan ako para sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at para sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, O Diyos ko, sa ikabubuti.
Awit ng Pag-akyat.
126 Nang ibalik ng Panginoon ang mga kayamanan ng Zion,[a]
tayo ay gaya ng mga nananaginip.
2 Nang magkagayo'y napuno ang ating bibig ng mga tawanan,
at ang ating dila ng mga awit ng kagalakan,
nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
“Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”
3 Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin,
kami ay natutuwa.
4 Ang aming mga bihag,[b] O Panginoon, ay iyong ibalik,
na gaya ng mga batis sa Negeb![c]
5 Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan,
ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!
6 Siyang lumalabas na umiiyak,
na may dalang itatanim na mga binhi,
ay uuwi na may sigaw ng kagalakan,
na dala ang kanyang mga bigkis ng inani.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001