Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Beginning

Read the Bible from start to finish, from Genesis to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Josue 12-15

Mga Haring Tinalo ni Moises

12 Ang(A) mga ito ang mga hari sa lupain na pinatay ng mga anak ni Israel, at inangkin ang kanilang lupain sa kabila ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ang buong Araba na dakong silangan:

si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at namuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang gitna ng libis, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa ilog Jaboc na hangganan ng mga anak ni Ammon;

at ang Araba hanggang sa dagat ng Cinerot patungong silangan, at sa dakong Bet-jesimot hanggang sa dagat ng Araba, sa Dagat na Alat, patungong timog sa paanan ng mga libis ng Pisga;

at ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi sa mga Refaim na nakatira sa Astarot at sa Edrei,

at namuno sa bundok ng Hermon, at sa Saleca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Geshureo at ng mga Maacatita, at ng kalahati ng Gilead, na hangganan ni Sihon na hari sa Hesbon.

Pinatay(B) sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel; at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pag-aari ng mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.

Mga Haring Tinalo ni Josue

Ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na tinalo ni Josue at ng mga anak ni Israel sa kabila ng Jordan na dakong kanluran, mula sa Baal-gad na libis ng Lebanon hanggang sa bundok ng Halak, na paahon sa Seir (at ibinigay ni Josue na pag-aari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi;

sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga libis, at sa ilang, at sa Timog; ang lupain ng mga Heteo, ang Amoreo, at ang Cananeo, ang Perezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);

ang hari ng Jerico, isa; ang hari sa Ai na nasa tabi ng Bethel, isa;

10 ang hari ng Jerusalem, isa; ang hari ng Hebron, isa;

11 ang hari ng Jarmut, isa; ang hari ng Lakish, isa;

12 ang hari ng Eglon, isa; ang hari ng Gezer, isa;

13 ang hari ng Debir, isa; ang hari ng Geder, isa;

14 ang hari ng Horma, isa; ang hari ng Arad, isa;

15 ang hari ng Libna, isa; ang hari ng Adullam, isa;

16 ang hari ng Makeda, isa; ang hari ng Bethel, isa;

17 ang hari ng Tapua, isa; ang hari ng Hefer, isa;

18 ang hari ng Afec, isa; ang hari ng Lasaron, isa;

19 ang hari ng Madon, isa; ang hari ng Hazor, isa;

20 ang hari ng Simron-meron, isa; ang hari ng Acsaf, isa;

21 ang hari ng Taanac, isa; ang hari ng Megido, isa;

22 ang hari ng Kedes, isa; ang hari ng Jokneam sa Carmel, isa;

23 ang hari ng Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;

24 ang hari ng Tirsa, isa; lahat ng mga hari ay tatlumpu't isa.

Mga Lupaing Dapat Pang Sakupin

13 Si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon. Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Ikaw ay matanda na, puspos na ng mga taon, at may nalalabi pang maraming lupain na sasakupin.

Ito ang mga lupaing nalalabi: ang lahat ng lupain ng mga Filisteo, at ang lahat ng sa mga Geshureo:

mula sa Sihor na nasa silangan ng Ehipto, hanggang sa hangganan ng Ekron sa dakong hilaga na kabilang sa mga Cananeo: ang limang pinuno ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, Asdodeo, Ascaloneo, Geteo, Acronneo, at ang mga Heveo,

sa timog: ang lahat ng lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na pag-aari ng mga Sidonio hanggang sa Afec, hanggang sa hangganan ng mga Amoreo;

at ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Lebanon, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat;

ang(C) lahat ng naninirahan sa lupaing maburol mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, samakatuwid ay lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harapan ng mga anak ni Israel: lamang ay ibabahagi mo sa Israel bilang pamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.

Kaya ngayon, hatiin mo ang lupaing ito bilang pamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.”

Ang Paghahati sa Lupaing nasa Silangan ng Jordan

Kasama(D) nito, tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang kanilang mana na ibinigay sa kanila ni Moises, sa kabila ng Jordan na dakong silangan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;

10 at ang lahat ng lunsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;

11 at ang Gilead, ang hangganan ng mga Geshureo at ng mga Maacatita at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Saleca;

12 ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astarot at sa Edrei (siya lamang nalabi sa mga Refaim); ang mga ito ang nagapi at itinaboy ni Moises.

13 Gayunma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Geshureo, ni ang mga Maacatita; kundi ang Geshur at ang Maacat ay nanirahan sa loob ng Israel hanggang sa araw na ito.

14 Ang(E) lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng pamana; ang mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoong Diyos ng Israel ay kanilang pamana, gaya ng sinabi niya sa kanya.

Ang Ipinamana kay Ruben

15 At nagbigay si Moises ng pamana sa lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan.

16 Ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang lunsod na nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;

17 ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan nito na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamot-baal, at ang Bet-baalmeon;

18 ang Jahaz, Kedemot, at ang Mefaat;

19 ang Kiryataim, Sibma, Zeret-shahar, sa burol ng libis;

20 ang Bet-peor, ang mga libis ng Pisga, ang Bet-jesimoth;

21 at ang lahat ng mga lunsod sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo na naghari sa Hesbon, na ginapi ni Moises kasama ang mga pinuno sa Midian; sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at si Reba, na mga pinuno ni Sihon, na nanirahan sa lupain.

22 Maging si Balaam na anak ni Beor na manghuhula ay pinatay ng tabak ng mga anak ni Israel sa mga nalabi sa kanilang pinatay.

23 Ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan at ang hangganan nito. Ito ang pamana sa mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon.

Ang Ipinamana kay Gad

24 Ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ang ayon sa kanilang mga angkan.

25 Ang kanilang hangganan ay ang Jazer, at ang lahat na lunsod ng Gilead, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;

26 at mula sa Hesbon hanggang sa Ramat-mizpa, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.

27 At sa libis, ang Bet-haram, Bet-nimra, Sucot, Zafon, at ang nalabi sa kaharian ni Sihon na hari sa Hesbon, na ang Jordan ang hangganan nito, hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng dagat ng Cineret, sa kabila ng Jordan sa dakong silangan.

28 Ito ang pamana sa mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon.

Ang Ipinamana sa Kalahating Lipi ni Manases

29 Si Moises ay nagbigay ng pamana sa kalahating lipi ni Manases: at ito ay ibinigay sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.

30 Ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga lunsod ng Jair na nasa Basan, animnapung bayan.

31 Ang kalahati ng Gilead at ang Astarot at ang Edrei, ang mga lunsod ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Makirita na anak ni Manases, samakatuwid ay sa kalahati ng mga anak ni Makirita ayon sa kanilang mga angkan.

32 Ito ang mga pamana na ibinahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa kabila ng Jordan sa silangan ng Jerico.

33 Ngunit(F) sa lipi ni Levi ay walang ibinigay na pamana si Moises; ang Panginoon na Diyos ng Israel ay kanilang pamana, gaya ng kanyang sinabi sa kanila.

Ang Paghahati sa Lupaing Nasa Kanluran ng Jordan

14 Ito ang mga pamanang tinanggap ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na ipinamahagi sa kanila ng paring si Eleazar, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga puno ng mga sambahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,

sa(G) pamamagitan ng palabunutan ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi.

Sapagkat(H) nabigyan na ni Moises ng pamana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa kabila ng Jordan; ngunit sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na pamana sa kanila.

Sapagkat ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi, ang Manases at ang Efraim; at wala ng bahaging ibinigay sa mga Levita sa lupain, liban sa mga lunsod na matitirahan, pati ng mga pastulan para sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari.

Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang ipinamahagi ang lupain.

Ang Hebron ay Ibinigay kay Caleb

Nang(I) magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal; at sinabi sa kanya ni Caleb na anak ni Jefone na Kenizeo, “Nalalaman ninyo ang sinabi ng Panginoon kay Moises, na tao ng Diyos, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Kadesh-barnea.

Ako'y(J) apatnapung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Kadesh-barnea upang lihim na siyasatin ang lupain; at dinalhan ko siya ng ulat na gaya ng nasa aking puso.

Subalit pinapanghina ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan; ngunit ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Diyos.

At(K) si Moises ay sumumpa nang araw na iyon, ‘Tunay na ang lupaing tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang pamana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailanman, sapagkat lubos kang sumunod sa Panginoon kong Diyos.’

10 At ngayon, gaya ng kanyang sinabi, iningatan akong buháy ng Panginoon, nitong apatnapu't limang taon, mula nang panahong sabihin ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang. Sa araw na ito ako'y walumpu't limang taong gulang na.

11 Gayunma'y malakas pa ako hanggang sa araw na ito na gaya ng araw na suguin ako ni Moises. Kung ano ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon sa pakikidigma, at gayundin sa paglabas-pasok.

12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinabi ng Panginoon nang araw na iyon; sapagkat nabalitaan mo nang araw na iyon kung paanong nariyan ang mga Anakim, na mga lunsod na malalaki at may pader; marahil ay sasamahan ako ng Panginoon, at maitataboy ko sila na gaya ng sinabi ng Panginoon.”

13 At binasbasan siya ni Josue at kanyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na anak ni Jefone, bilang pamana niya.

14 Kaya't ang Hebron ay naging pamana ni Caleb na anak ni Jefone na Kenizeo hanggang sa araw na ito; sapagkat kanyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.

15 Ang pangalan ng Hebron nang una ay Kiryat-arba; itong Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.

Ang Ipinamana kay Juda

15 Ang naging lupain ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin sa kadulu-duluhang bahagi ng timog.

Ang kanilang hangganan sa timog ay mula sa kadulu-duluhang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa look na nakaharap sa timog.

Ito'y papalabas sa dakong timog paakyat sa Acrabim, at patuloy sa Zin at paakyat sa timog ng Kadesh-barnea, at patuloy sa Hesron, at paakyat sa Adar, at paliko sa Carca;

at patuloy sa Azmon, at papalabas sa batis ng Ehipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang inyong magiging hangganan sa timog.

Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa bunganga ng Jordan. At ang hangganan sa hilaga ay mula sa look ng dagat na nasa bunganga ng Jordan:

at paakyat hanggang sa Bet-hogla, at patuloy sa hilaga ng Bet-araba; at ang hangganan ay paakyat sa bato ni Bohan na anak ni Ruben.

Ang hangganan ay paakyat sa Debir mula sa libis ng Acor, hanggang sa hilagang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng paakyat sa Adumim, na nasa timog ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-shemes, at ang mga labasan niyon ay sa En-rogel.

Ang hangganan ay paakyat sa libis ng anak ni Hinom hanggang sa Jebuseo sa timog (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay paakyat sa taluktok ng bundok na naroroon sa harapan ng libis ng Hinom sa kanluran na nasa kadulu-duluhang bahagi ng libis ng Refaim sa hilaga.

Ang hangganan ay umaabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Neftoa, at papalabas sa mga lunsod ng bundok ng Efron, at ang hangganan ay umaabot sa Baala (na siya ring Kiryat-jearim).

10 Ang hangganan ay paikot mula sa Baala sa kanluran hanggang sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilaga (na siya ring Chesalon), at pababa sa Bet-shemes at patuloy sa Timna.

11 Ang hangganan ay papalabas sa tagiliran ng Ekron sa hilaga; at ang hangganan ay umaabot sa Siceron, at patuloy sa bundok ng Baala, at papalabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.

12 Ang hangganan sa kanluran ay ang Malaking Dagat, at ang baybayin nito. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

Sinakop ni Caleb ang Hebron at Debir(L)

13 Ayon(M) sa kautusan ng Panginoon kay Josue, ay nagbigay siya kay Caleb na anak ni Jefone ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, samakatuwid ay ang Kiryat-arba, na siya ring Hebron, (si Arba ay naging ama ni Anak).

14 Pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong mga anak na lalaki ni Anak: sina Sesai, Ahiman, at Talmai, na mga anak ni Anak.

15 Siya'y umakyat mula roon laban sa mga taga-Debir: ang pangalan ng Debir nang una ay Kiryat-sefer.

16 At sinabi ni Caleb, “Ang sinumang makatalo sa Kiryat-sefer at sakupin ito, sa kanya ay ibibigay ko bilang asawa si Acsa na aking anak na babae.”

17 Sinakop ito ni Otniel na anak ni Kenaz, na kapatid ni Caleb; at ibinigay niya sa kanya bilang asawa si Acsa na kanyang anak na babae.

18 Nang si Acsa ay dumating sa kanya, kanyang hinimok siya na humingi sa kanyang ama ng isang parang; at siya'y bumaba sa kanyang asno at sinabi ni Caleb sa kanya, “Anong ibig mo?”

19 At kanyang sinabi, “Bigyan mo ako ng handog; yamang inilagay mo ako sa lupain ng Negeb ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig.” At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.

Ang mga Bayan ng Juda

20 Ito ang naging pamana sa lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.

21 Ang mga kadulu-duluhang lunsod ng lipi ng mga anak ni Juda sa timog sa hangganan ng Edom ay ang Kabzeel, Eder, Jagur,

22 Cina, Dimona, Adada,

23 Kedes, Hazor, Itnan,

24 Zif, Telem, Bealot,

25 Hazor-hadata, Kiryot-hesron (na siya ring Hazor),

26 Amam, Shema, Molada,

27 Hazar-gada, Hesmon, Bet-pelet,

28 Hazar-shual, Beer-seba, Bizotia,

29 Baala, Iim, Ezem,

30 Eltolad, Cesil, Horma,

31 Siclag, Madmana, Sansana,

32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimon: lahat ng mga lunsod ay dalawampu't siyam, pati ang mga nayon ng mga iyon.

33 Sa mababang lupain: Estaol, Sora, Asena,

34 Zanoa, En-ganim, Tapua, Enam,

35 Jarmut, Adullam, Socoh, Azeka,

36 Saaraim, Aditaim, Gedera, Gederotaim; labing-apat na lunsod pati ang kanilang mga nayon.

37 Senan, Hadasha, Migdal-gad;

38 Dilan, Mizpe, Jokteel,

39 Lakish, Boscat, Eglon,

40 Cabon, Lamas, Citlis;

41 Gederot, Bet-dagon, Naama at Makeda: labing-anim na bayan at ang kanilang mga nayon.

42 Libna, Eter, Asan,

43 Jifta, Asna, Nesib,

44 Keila, Aczib, at Maresha; siyam na lunsod at ang kanilang mga nayon.

45 Ekron at ang kanyang mga bayan at mga nayon,

46 mula sa Ekron hanggang sa dagat, lahat na nasa gilid ng Asdod at ang kanilang mga nayon.

47 Asdod, at ang kanyang mga bayan at mga nayon. Gaza, at ang kanyang mga bayan at mga nayon, hanggang sa batis ng Ehipto, at ang Malaking Dagat at ang kanyang baybayin.

48 Sa lupaing maburol, Samir, Jatir, Socoh,

49 Dana, Kiryat-sana (na siyang Debir),

50 Anab, Estemoa, Anim;

51 Goshen, Holon, at Gilo: labing-isang lunsod at ang kanilang mga nayon,

52 Arab, Duma, Eshan,

53 Janum, Bet-tapua, Afeca;

54 Humta, Kiryat-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na lunsod at ang kanilang mga nayon.

55 Maon, Carmel, Zif, Juta,

56 Jezreel, Jocdeam, Zanoa,

57 Cain, Gibeah, at Timna: sampung lunsod at ang kanilang mga nayon.

58 Halhul, Bet-zur at Gedor,

59 Maarath, Bet-anot, at Eltecon; anim na lunsod at ang kanilang mga nayon.

60 Kiryat-baal (na siyang Kiryat-jearim), at Rabba: dalawang lunsod at ang kanilang mga nayon.

61 Sa ilang; Bet-araba, Midin, Secaca;

62 Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na lunsod at ang kanilang mga nayon.

63 Ngunit(N) ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda; kaya't ang mga Jebuseo ay nanirahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001