Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Beginning

Read the Bible from start to finish, from Genesis to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Apocalipsis 17-19

Ang Reyna ng Kahalayan

17 At(A) dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa tanyag na mahalay na babae[a] na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig;

na(B) sa kanya'y nakiapid ang mga hari sa lupa, at ang mga naninirahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid.

At(C) ako'y kanyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang halimaw na pula, na punô ng mga pangalan ng kalapastanganan na may pitong ulo at sampung sungay.

Ang(D) babae ay nakadamit ng kulay-ube at ng matingkad na pula, nagagayakan ng ginto at ng mahahalagang bato at mga perlas, at hawak sa kanyang kamay ang isang kopang ginto na punô ng mga karumaldumal at mga bagay na marurumi ng kanyang pakikiapid,

at sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, ang isang hiwaga: “dakilang Babilonia, ina ng mga mahalay na babae[b] at ng mga karumaldumal sa lupa.”

At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir[c] ni Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubhang nanggilalas.

Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng sinasakyan niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay.

Ang(E) halimaw na nakita mo ay buháy noon[d] at ngayo'y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon ngunit ngayo'y wala na at darating pa.

“Kailangan dito ang pag-iisip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae; sila rin ay pitong hari,

10 ang lima sa kanila ay bumagsak, ang isa'y nananatili pa, ang isa ay hindi pa dumarating at pagdating niya, kailangang magpatuloy siya nang sandaling panahon.

11 At ang halimaw na buháy noon at ngayo'y wala na, ay siya ring ikawalo ngunit kabilang sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.

12 At(F) ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari, na hindi pa tumatanggap ng kaharian; subalit sila'y tatanggap ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng halimaw.

13 Ang mga ito ay may isang pag-iisip at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.

14 Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero at sila'y dadaigin ng Kordero, sapagkat siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay mga tinawag, mga hinirang at tapat.”

15 At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng mahalay na babae[e] ay mga bayan, napakaraming tao, mga bansa, at mga wika.

16 At ang sampung sungay na iyong nakita, sila at ang halimaw ay mapopoot sa mahalay na babae;[f] siya'y pababayaan at huhubaran nila, lalamunin ang kanyang laman at siya'y lubos na susunugin sa apoy.

17 Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga puso na gawin ang kanyang layunin at magkaisa ng pag-iisip at ibigay ang kanilang paghahari sa halimaw, hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos.

18 Ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lunsod na naghahari sa mga hari sa lupa.”

Ang Pagbagsak ng Babilonia

18 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian.

At(G) siya'y sumigaw nang may malakas na tinig na nagsasabi,

“Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia!
    Ito'y naging tirahan ng mga demonyo,
pugad ng bawat espiritung karumaldumal,
    at pugad ng bawat karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon;
sapagkat(H) lahat ng mga bansa ay uminom
    ng alak ng galit ng kanyang pakikiapid,
at ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kanya,
    at ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman dahil sa kapangyarihan ng kanyang kalayawan.”

At(I) narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit na nagsasabi,

“Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko,
    upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan,
at huwag kayong makabahagi
    sa kanyang mga salot;
sapagkat(J) ang kanyang mga kasalanan ay nagkapatung-patong na umaabot hanggang sa langit,
    at natatandaan ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.
Ibigay(K) din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo,
    at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa;
    sa kopang kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit.
Kung(L) gaano siya nagmalaki at namuhay sa kalayawan,
    ay gayundin ang ibigay ninyo sa kanyang pahirap at pagluluksa.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Ako'y nakaupong isang reyna.
Hindi ako balo
    at hindi ko makikita kailanman ang pagluluksa.’
Kaya't sa loob ng isang araw ay darating ang mga salot sa kanya,
    kamatayan, pagluluksa at gutom;
at siya'y lubos na susunugin sa apoy;
    sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya.”

At(M) ang mga hari sa lupa na nakiapid at namuhay sa kalayawan na kasama niya, ay iiyakan at tatangisan siya kapag nakita nila ang usok ng pagsusunog sa kanya.

10 Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi,

“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
    ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia!
Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.”

11 Ang(N) mga mangangalakal sa lupa ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bibili pa ng kanilang kalakal;

12 kalakal(O) na ginto at pilak, mahalagang bato at mga perlas, pinong lino, kulay-ube, sutla at pula; ng sari-saring mababangong kahoy, at bawat kasangkapang garing, bawat kasangkapang mahalagang kahoy, tanso, bakal, marmol,

13 kanela, pampalasa, kamanyang, mira at insenso; alak at langis, at mainam na harina at trigo, mga baka at mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga alipin; at ng mga kaluluwa ng mga tao.

14 “Ang mga bungang ninanais ng kaluluwa mo
    ay wala na sa iyo,
at lahat ng mga bagay na mararangya at mariringal
    ay nalipol sa iyo,
    at hindi na kailanman matatagpuan pang muli!”

15 Ang(P) mga mangangalakal ng mga bagay na ito na tumatangis at tumataghoy, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya,

16 na nagsasabi,

“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
    siyang nagsusuot ng pinong lino at ng kulay-ube, at pula,
    at napapalamutian ng ginto, mahahalagang bato at perlas!
17 Sapagkat(Q) sa loob ng isang oras ay nalipol ang ganito kalaking kayamanan!”

At ang bawat pinuno ng barko, ang bawat naglalayag saan mang dako, ang mga mandaragat, at lahat ng naghahanap-buhay sa dagat, ay nakatayo sa malayo,

18 at(R) nagsisisigaw pagkakita sa usok ng pagsusunog sa kanya, na nagsasabi,

“Anong lunsod ang katulad ng dakilang lunsod?”

19 At(S) sila'y nagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo at nagsisigawan, na nag-iiyakan at nananaghoy, na nagsasabi,

“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
    na siyang nagpapayaman sa lahat na may mga barko sa dagat, dahil sa kanyang mga kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak!
20 Magalak(T) ka tungkol sa kanya, O langit,
    at kayong mga banal at mga apostol, at mga propeta;
sapagkat iginawad na ng Diyos para sa inyo ang hatol sa kanya!”

21 Pagkatapos(U) ay dinampot ng isang malakas na anghel ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat na sinasabi,

“Sa ganitong karahasan ibabagsak ang dakilang Babilonia,
    at hindi na matatagpuan pa.
22 At(V) (W) ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta
    ay hindi na maririnig pa sa iyo;
at wala nang manggagawa ng anumang gawa
    ang matatagpuan pa sa iyo;
at ang ingay ng gilingan
    ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 at ang liwanag ng ilawan
    ay hindi na tatanglaw pa sa iyo
at ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaing ikakasal
    ay hindi na maririnig pa sa iyo;
sapagkat ang mga mangangalakal mo ay dating mga pangunahin sa lupa;
    sapagkat dinaya ng iyong pangkukulam ang lahat ng mga bansa.
24 At(X) natagpuan sa kanya ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
    at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.”

Ang Pagsasaya sa Langit

19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malakas na tinig ng napakaraming tao sa langit, na nagsasabi,

“Aleluia!
Ang kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan ay nauukol sa ating Diyos.
    Sapagkat(Y) tunay at matuwid ang kanyang mga paghatol;
hinatulan niya ang tanyag na mahalay na babae[g]
    na nagpasama sa daigdig sa pamamagitan ng kanyang pakikiapid,
at ipinaghiganti ng Diyos[h] ang dugo ng kanyang mga alipin[i] laban sa babae.”[j]

At(Z) sa ikalawang pagkakataon ay kanilang sinabi,

“Aleluia!
At ang usok ng babae[k] ay pumailanglang magpakailanpaman.”

At nagpatirapa ang dalawampu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buháy, at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono, na nagsasabi,

“Amen. Aleluia!”

Ang Hapunan ng Kasalan ng Kordero

At(AA) lumabas ang isang tinig sa trono, na nagsasabi,

“Purihin ninyo ang ating Diyos,
    kayong lahat na mga alipin niya,
at kayong natatakot sa kanya,
    mga hamak at dakila.”

Narinig(AB) ko ang gaya ng isang tinig ng napakaraming tao, gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng dagundong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

“Aleluia!
Sapagkat naghahari ang Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Tayo'y magalak at tayo'y magpakasaya
    at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian,
sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero,
    at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili.
At sa kanya'y ipinagkaloob na magsuot
    ng pinong lino, makintab at malinis;”

sapagkat ang pinong lino ay ang matutuwid na gawa ng mga banal.

At(AC) sinabi ng anghel[l] sa akin, “Isulat mo: Mapapalad ang mga inanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero.” At sinabi niya sa akin, “Ito ang mga tunay na salita ng Diyos.”

10 At ako'y nagpatirapa sa kanyang paanan upang siya'y aking sambahin, ngunit sinabi niya sa akin, “Huwag mong gawin iyan! Ako'y kapwa mo alipin na kasama mo at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus. Sa Diyos ka sumamba. Sapagkat ang patotoo ni Jesus ang espiritu ng propesiya.”

Ang Nakasakay sa Puting Kabayo

11 At(AD) nakita kong nabuksan ang langit at naroon ang isang kabayong puti! At ang nakasakay doon ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagdigma.

12 Ang(AE) kanyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy, at sa kanyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na walang nakakaalam kundi ang kanyang sarili.

13 Siya'y nakasuot ng damit na inilubog sa[m] dugo at ang kanyang pangalan ay tinatawag na Ang Salita ng Diyos.

14 Ang mga hukbo ng langit ay sumusunod sa kanya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at sila'y may damit na pinong lino na maputi at dalisay.

15 Mula(AF) sa kanyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y tatagain niya ang mga bansa at sila'y kanyang paghaharian ng tungkod na bakal, at paaagusin niya mula sa pisaan ng ubas ang bagsik ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita, “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”

17 At(AG) nakita kong nakatayo sa araw ang isang anghel, at siya'y sumigaw nang may malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, “Halikayo at magkatipon sa dakilang hapunan ng Diyos,

18 upang kayo'y makakain ng laman ng mga hari, ng laman ng mga kapitan, ng laman ng mga taong makapangyarihan, ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong malaya at mga alipin man, mga hamak at dakila.”

19 At nakita ko ang halimaw at ang mga hari sa lupa at ang kanilang mga hukbo, na nagkakatipon upang makipagdigma laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kanyang hukbo.

20 At(AH) hinuli ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinandaya sa mga tumanggap ng tanda ng halimaw at sa mga sumamba sa larawan nito. Ang dalawang ito ay buháy na inihagis sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre.

21 At ang mga iba ay pinatay ng tabak na lumalabas sa bibig noong nakasakay sa kabayo; at ang lahat ng mga ibon ay nabusog sa mga laman nila.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001