Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 102 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 107:1-32' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Samuel 9:1-14' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 7:17-29

17 “Ngunit (A) nang nalalapit na ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, lumago at dumami ang ating sambayanan sa Ehipto, 18 hanggang sa nagkaroon ng hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. 19 Dinaya at pinagsamantalahan (B) nito ang ating lahi, pinagmalupitan ang ating mga ninuno at pinilit na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Sa (C) panahong iyon ay ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kanyang ama. 21 Nang (D) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y pinalaking parang sarili niyang anak. 22 Sinanay si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipcio, at siya'y naging makapangyarihan sa kanyang mga salita at mga gawa. 23 “Nang (E) siya'y apatnapung taong gulang na, naisipan niyang[a] tingnan ang kalagayan ng kanyang mga kapatid, na mga anak ni Israel. 24 Nang makita niya na pinahihirapan ang isa sa kanila, ipinagtanggol at ipinaghiganti niya ito at pinatay ang Ehipcio. 25 Inaakala niya noon na naunawaan ng kanyang mga kababayan[b] na ililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan niya.[c] Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26 Kinabukasan, lumapit siya sa dalawang Israelitang nag-aaway. Ibig sana niyang sila'y pagkasunduin kaya sinabing, ‘Mga ginoo, kayo'y magkapatid; bakit sinasaktan ninyo ang isa't isa?’ 27 Ngunit itinulak siya ng nanakit sa kapwa, at nagsabing, ‘Sino'ng nagsabing ikaw ay pinuno at hukom namin? 28 Gusto mo ba akong patayin, gaya ng pagpatay mo kahapon sa Ehipcio?’ 29 Nang (F) marinig ito ni Moises, tumakas siya at nanirahan na isang dayuhan sa lupain ng Midian, at doo'y nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.

Lucas 22:31-38

Sinabi ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro(A)

31 “Simon, Simon, makinig ka! Hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng sa trigo. 32 Ngunit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya; at kapag nagbalik-loob ka na, dapat mong palakasin ang iyong mga kapatid.” 33 Sumagot si Pedro, “Panginoon, handa po akong sumama sa inyo hanggang sa bilangguan o sa kamatayan.” 34 Ngunit sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, sa araw na ito, bago pa tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo na akong naipagkaila.”

Walang Supot, Pagkain, Sandalyas

35 Sinabi niya sa kanila, “Nang isugo ko kayong walang lalagyan ng salapi, o baunan ng pagkain, o sandalyas, kinulang ba kayo ng anuman?” At sinabi nila, “Hindi po.” 36 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, magdala kayo ng lalagyan ng salapi at ng pagkain. At ang sinumang walang tabak, ipagbili ang kanyang balabal at bumili ng tabak. 37 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, ang bahaging ito ng Kasulatan ay kailangang matupad sa akin, ‘Ibinilang siya sa mga salarin.’ Natutupad na nga ang nasusulat tungkol sa akin.” 38 At sinabi ng mga alagad, “Panginoon, narito ang dalawang tabak.” Sumagot siya, “Tama na!”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.