Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 45 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 47-48' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Ecclesiastico 24:1-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 11:14-19

14 Naganap na ang ikalawang malagim na pangyayari. Ang ikatlo'y malapit nang maganap.

Ang Ikapitong Trumpeta

15 Pagkatapos, hinipan (A) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi,

“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
    at ng kanyang Cristo,
at maghahari siya magpakailanman.”

16 At ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa Diyos. 17 Wika nila,

“Salamat po, Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
    na siyang ngayon, at noon,
sapagkat tinaglay mo ang iyong dakilang kapangyarihan
    at nagsimula nang maghari.
18 Nagalit (B) ang mga bansa,
    ngunit dumating ang iyong poot
    at ang panahon upang hatulan ang mga patay,
at upang gantimpalaan ang iyong mga lingkod na mga propeta at mga banal
    at lahat silang natatakot sa iyong pangalan,
    maging mga hamak o mga dakila,
at upang puksain silang mga pumipinsala sa mundo.”

19 Pagkatapos ay (C) nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nahayag ang kaban ng tipan. Gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, lumindol, at umulan ng mga tipak ng yelo.

Lucas 11:27-36

Ang Tunay na Pinagpala

27 Habang sinasabi ni Jesus ang mga ito, isang babae mula sa karamihan ang pasigaw na nagsabi sa kanya, “Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.” 28 Subalit sinabi niya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.”

Hinanapan si Jesus ng Tanda(A)

29 Nang lalong dumarami pa ang mga tao, nagsimula siyang magsalita, “Masama ang salinlahing ito. Naghahanap ito ng isang tanda, ngunit walang tandang ibibigay dito maliban sa tanda ni Jonas. 30 Kung paanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa salinlahing ito. 31 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang Reyna ng Timog at hahatulan sila. Sapagkat nagmula pa siya sa dulo ng daigdig upang marinig ang karunungan ni Solomon; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Solomon ang narito. 32 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang mga taga-Nineve at hahatulan ito. Sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Jonas ang narito.

Ang Liwanag ng Katawan(B)

33 “Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay ilalagay ito sa tagong lugar o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ilalagay ang ilawan sa patungan upang makita ng mga papasok ang liwanag. 34 Ang mata ang ilawan ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay maliwanag. Ngunit kung hindi ito malinaw, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka at baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kaya naman kung ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag at walang bahaging nasa kadiliman, lubos itong maliliwanagan na para bang tinatanglawan ka ng maliwanag na ilaw.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.