Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 78 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Ester 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 18:12-28

12 Subalit nang si Galio ang naging gobernador ng Acaia, nagkaisa ang mga Judio na dakpin si Pablo at dalhin sa hukuman. 13 Kanilang sinabi, “Hinihikayat ng taong ito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa paraang labag sa batas.” 14 At nang magsasalita na si Pablo ay sinabi ni Galio sa mga Judio, “Kung ang usaping ito'y tungkol sa masamang gawa o mabigat na kasalanan, may dahilan akong pakinggan kayong mga Judio. 15 Subalit dahil ang usaping ito'y tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling batas, kayo na ang bahala rito. Ayaw kong maging hukom sa mga bagay na iyan.” 16 At sila'y pinalabas niya sa hukuman. 17 Sinunggaban nilang lahat si Sostenes, ang tagapamahala ng sinagoga, at siya'y binugbog sa harapan ng hukuman. Ngunit hindi iyon pinansin ni Galio.

Ang Muling Pagbabalik sa Antioquia

18 Nanatili pa roon si Pablo ng ilang araw, at pagkatapos ay nagpaalam na sa mga kapatid. Bago siya naglayag, nagpaahit siya ng buhok sa Cencrea, dahil siya'y may panata. Buhat doo'y naglakbay siya patungong Syria, kasama ang mag-asawang sina Priscila at Aquila. 19 Pagdating nila sa Efeso ay iniwan niya roon ang dalawa, ngunit pumasok muna siya sa sinagoga at nakipagpaliwanagan sa mga Judio. 20 Nang siya'y pakiusapan nilang tumigil pa roon nang mas mahabang panahon, hindi siya pumayag. 21 Ngunit sinabi niya nang siya'y nagpaalam sa kanila, “Babalik ako sa inyo kung loloobin ng Diyos.” At siya'y naglayag buhat sa Efeso. 22 Pagdating niya sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at bumati sa iglesya, pagkatapos ay nagtungo sa Antioquia. 23 Pagkatapos tumigil doon nang ilang panahon, siya'y muling naglakbay at nagpalipat-lipat sa mga lupain ng Galacia at Frigia, habang pinalalakas ang pananampalataya ng mga alagad.

Si Apolos sa Efeso at sa Corinto

24 Dumating sa Efeso ang isang Judio na ang pangalan ay Apolos, na tubong Alejandria. Mahusay siyang magsalita at dalubhasa sa Kasulatan. 25 Naturuan ang taong ito tungkol sa Daan ng Panginoon. Maalab siyang nangaral at nagturo nang wasto tungkol kay Jesus, bagaman ang nalalaman lamang niya ay hanggang sa bautismo ni Juan. 26 Siya'y nagsimulang magsalita nang buong tapang sa sinagoga. Nang marinig siya nina Priscila at Aquila ay kanilang inanyayahan siya sa bahay nila at ipinaliwanag sa kanya nang mas mabuti ang Daan ng Diyos. 27 Nang ibig na niyang tumawid patungong Acaia, pinalakas ng mga kapatid ang kanyang loob at sinulatan nila ang mga alagad doon na siya'y malugod na tanggapin. Pagdating niya roon, malaki ang kanyang naitulong sa mga taong sumampalataya dahil sa kagandahang-loob ng Diyos. 28 Sapagkat makapangyarihan niyang dinaig sa harap ng madla ang mga Judio, at mula sa mga Kasulatan ay pinatunayang si Jesus ang Cristo.

Lucas 3:15-22

15 Dahil sa pananabik ng mga tao, nagtatanungan sila kung si Juan na nga ba ang Cristo. 16 Sinagot silang lahat ni Juan, “Binabautismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit may darating na higit na makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng kanyang sandalyas. Siya ang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu at apoy. 17 Nasa kanyang kamay ang kalaykay upang linisin nang husto ang kanyang giikan at tipunin ang trigo sa kanyang kamalig; subalit ang ipa ay kanyang susunugin sa apoy na hindi maaápula.” 18 Kaya nga't ipinangaral niya ang marami at iba't ibang bagay sa paghahayag ng mabuting balita. 19 Subalit si Herodes na pinuno, dahil siya'y napagsabihan ni Juan tungkol kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid at tungkol sa lahat ng mga masasamang ginawa ni Herodes, 20 idinagdag pa sa lahat ng ito nang ipinakulong niya si Juan sa bilangguan.

Binautismuhan si Jesus(A)

21 Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak. Sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.