Book of Common Prayer
Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.
6 Oh Panginoon, (A)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(B)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (D)hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 (E)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 (F)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 (G)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.
94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
7 At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9 (E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
17 (A)Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya;
Nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban:
Ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos:
Inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan:
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya (B)nila:
(C)Nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan,
Habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; (D)ang aking puso ay namamanglaw;
Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik:
(E)Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin;
(F)Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa:
Iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
22 Magsidating nawa ang (G)lahat nilang kasamaan sa harap mo;
At gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang:
Sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
8 Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian (A)namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't (B)kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay:
9 Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios (C)na bumubuhay na maguli ng mga patay:
10 Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin;
11 Kayo (D)naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin (E)sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin.
12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa (F)kabanalan at (G)pagtatapat sa Dios, (H)hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo.
13 Sapagka't hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay, maliban na sa inyong binabasa, o kinikilala, at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan:
14 Gaya naman (I)ng inyong bahagyang pagkilala sa amin, na kami'y inyong kapurihan, gayon din naman kayo'y sa amin, (J)sa araw ng Panginoong si Jesus.
15 At sa pagkakatiwalang ito ay (K)ninasa kong pumariyan muna sa inyo, upang kayo'y mangagkaroon (L)ng pangalawang pakinabang;
16 At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia, (M)at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo, at (N)nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea.
17 Nang nasain ko nga ang ganito, ako baga kaya ay nagatubili? o ang mga bagay na ninasa ko, ay mga ninasa ko baga ayon sa laman, upang magkaroon sa akin ng oo, oo, at ng hindi, hindi?
18 Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi.
19 Sapagka't ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si (O)Silvano at si (P)Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo.
20 Sapagka't (Q)maging gaano man ang mga pangako ng Dios, ay nasa kaniya ang oo: kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin.
21 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid (R)sa atin, ay ang Dios,
22 Na siyang nagtatak naman (S)sa atin, at (T)nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.
27 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: (A)at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda;
28 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito?
29 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
30 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako.
31 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan?
32 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao—ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta.
33 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978