Book of Common Prayer
(A)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (B)maaga:
Kinauuhawan ka (C)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (D)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (E)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (F)kita habang ako'y nabubuhay:
(G)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (H)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (I)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (J)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (K)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (L)luluwalhati;
Sapagka't (M)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Awit.
98 (A)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(B)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
2 (C)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(D)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
3 (E)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (F)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (G)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(H)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
7 (I)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
8 (J)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
9 Sa harap ng Panginoon, (K)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.
Awit ni David.
103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 (B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 (D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 (G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7 Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8 Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 (J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
3 At aking itiningin ang aking mukha (A)sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
4 (B)At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,
5 Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;
6 Na hindi man kami nangakinig (C)sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.
7 Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, (D)na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.
8 Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
9 Sa Panginoon naming Dios (E)ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;
10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.
10 (A)Sapagka't marapat sa kaniya na (B)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (C)na (D)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't (E)ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang (F)sa isa: na dahil dito'y (G)hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi,
(H)Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.
13 At muli, (I)ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, (J)Narito, ako at ang mga (K)anak na ibinigay sa akin ng Dios.
14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, (L)siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; (M)upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
15 At mailigtas silang lahat (N)na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (O)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 (P)Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At (A)ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y (B)naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, (C)ay hindi ko siya hinahatulan: (D)sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: (E)ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol (F)sa huling araw.
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, (G)kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
50 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978