Book of Common Prayer
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 (G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
JOD.
73 (A)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(B)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (C)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (D)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (E)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (F)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (G)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (H)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.
CAPH.
81 Pinanglulupaypayan ng (I)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (J)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (K)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (L)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(M)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (N)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (O)na may kamalian; (P)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
LAMED.
89 (Q)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (R)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (S)at lumalagi.
91 (T)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (U)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
18 At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw, Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo; sapagka't natatakot (A)ako sa Dios:
19 Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay:
20 (B)At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y matototohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mangamamatay. At kanilang ginawang gayon.
21 At sila'y nagsabisabihan, (C)Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.
22 At si Ruben ay sumagot sa kanila, na nagsasabi, Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, (D)Huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kaniyang dugo ay (E)nagsasakdal.
23 At hindi nila nalalaman na sila'y pinakikinggan ni Jose; sapagka't may tagapagpaliwanag sa kanila.
Tinalian si Simeon.
24 At siya'y humiwalay sa kanila, at umiyak; at siya'y bumalik sa kanila, at sila'y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harap ng kanilang mga mata.
25 Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan: at ginawa sa kanilang gayon.
Ang iba ay nagbalik.
26 At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno, at sila'y yumaon mula roon.
27 (F)At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan, ay nakita niya ang kaniyang salapi; at, narito, nasa labi ng kaniyang bayong.
28 At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid, Ang salapi ko ay nasauli; at, narito, nasa aking bayong: at kumutob ang kanilang puso; at nangagtinginan na nanganginginig, na nagsasabihan, Ano itong ginawa ng Dios sa atin?
9 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;
10 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang (A)magsialis kayo sa sanglibutan:
11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama (B)sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol (C)sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol (D)sa nangasa loob?
13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. (E)Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
6 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (F)hindi sa harapan ng mga banal?
2 O hindi baga ninyo nalalaman na (G)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating (H)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (I)sa buhay na ito?
4 Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
5 Sinasabi ko ito (J)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
6 Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?
7 Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? (K)bakit hindi bagkus kayo'y padaya?
8 Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.
4 At siya'y (A)muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa (B)isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.
2 At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
3 Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:
4 At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.
5 At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:
6 At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
7 At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga.
8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.
9 At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
10 At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.
11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang (C)nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
12 (D)Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.
13 (E)At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?
14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.
15 At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.
16 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;
17 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.
18 At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita,
19 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.
20 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978