Add parallel Print Page Options

At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: (A)sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng (B)bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.

Read full chapter

32 At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo, sapagka't siya'y dumaluhong sa dalawang lalake, na lalong matuwid, at maigi kay sa kaniya, at mga pinatay ng tabak, at hindi nalalaman ng aking amang si David, sa makatuwid baga'y si Abner na anak ni Ner, na puno ng hukbo ng Israel, at si Amasa na (A)anak ni Jether, na puno ng hukbo ng Juda.

Read full chapter

22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.

Read full chapter

12 Sapagka't siyang (A)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.

Read full chapter

50 Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;

51 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at (A)ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.

Read full chapter