Book of Common Prayer
COPH.
145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (A)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (B)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(C)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (D)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (E)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (F)pinamalagi magpakailan man.
RESH.
153 (G)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (H)ang iyong kautusan.
154 (I)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (J)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(K)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (L)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
SIN.
161 Inusig ako (M)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(N)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (O)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (P)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(Q)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
TAU.
169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (R)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (S)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (T)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (U)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 (B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
5 (E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.
129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (H)aking kabataan,
(I)Sabihin ngayon ng Israel,
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(J)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo (K)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (L)panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging (M)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(N)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (O)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (P)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (Q)tatayo?
4 Nguni't may (R)kapatawarang taglay ka,
(S)Upang ikaw ay katakutan.
5 (T)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (U)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (V)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (W)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (X)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Tanda ng tungkod ni Aaron.
8 At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
9 Pagsasalita ni Faraon sa inyo, na sasabihin, Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron: Kunin mo ang iyong tungkod, at ihagis mo sa harap ni Faraon, na magiging isang ahas.
10 At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon, at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas.
11 (A)Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at (B)sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto.
12 Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas: nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila.
13 At ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Pinatigas ni Faraon ang kaniyang puso.
14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang puso ni Farao'y nagmatigas, ayaw niyang paalisin ang bayan.
15 Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang (C)tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay.
16 At iyong sasabihin sa kaniya, Sinugo ako sa iyo ng (D)Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, na sinasabi, Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon, upang sila'y makapaglingkod sa akin sa ilang (E)at, narito, hanggang ngayo'y hindi mo dininig.
17 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dito mo makikilala, na ako ang Panginoon: narito, aking papaluin ng tungkod, na nasa aking kamay, ang tubig, na nasa ilog (F)at magiging (G)dugo.
18 At ang mga isda, na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay babaho; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog.
19 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, (H)at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato.
Ang tubig ay naging dugo.
20 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; (I)at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
21 At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho (J)at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto.
22 (K)At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din, sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; (L)gaya ng sinalita ng Panginoon.
23 At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay, na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso.
24 At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog, upang makasumpong ng tubig na mainom; sapagka't sila'y hindi makainom ng tubig sa ilog.
14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging (A)pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag (B)ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.
15 Sapagka't (C)sa mga inililigtas, at (D)sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;
16 Sa isa ay samyo (E)mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat (F)sa mga bagay na ito?
17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa (G)pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
3 Pinasisimulan baga naming (H)muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya (I)ng iba, ng mga (J)sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2 Kayo ay ang aming sulat, (K)na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi (L)sa mga tapyas ng bato, kundi (M)sa mga tapyas ng pusong laman.
4 At ang gayong (N)pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
5 Hindi sa kami ay (O)sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang (P)aming kasapatan ay mula sa Dios;
6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga (Q)ministro (R)ng bagong (S)tipan; hindi (T)ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't (U)ang titik ay pumapatay, (V)datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
10 At siya'y umalis doon, (A)at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila.
2 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? (B)na siya'y tinutukso.
3 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
4 At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.
5 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito.
6 Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila.
7 Dahil dito'y (C)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;
8 At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
9 Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
10 At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito.
11 At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
12 At (D)kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
13 At dinadala nila (E)sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.
14 Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't (F)sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
16 At (G)kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978