Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 38

Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni (A)David, sa pagaalaala.

38 Oh Panginoon, (B)huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
Sapagka't ang (C)iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At (D)pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
(E)Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
Sapagka't ang (F)aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay (G)napakabigat sa akin.
(H)Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
Ako'y nahirapan at ako'y (I)nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
(J)Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa (K)liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 (L)Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak (M)ay nakalayo.
12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay (N)nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
(O)At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
(P)At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16 Sapagka't aking sinabi: (Q)Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
(R)Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay (S)dumami.
20 (T)Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, (U)sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22 Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.

Mga Awit 119:25-48

DALETH.

25 (A)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(B)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (C)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (D)pinalaki ang aking puso.

HE.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (E)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (F)kasakiman.
37 (G)Alisin mo ang aking mga mata (H)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (I)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (J)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

VAU.

41 (K)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (L)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (M)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

Isaias 44:24-45:7

24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng (A)iyong Manunubos, at niyang (B)naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at (C)nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at (D)nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;

26 Na nagpapatatag ng salita ng (E)kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:

27 Na nagsasabi sa kalaliman, (F)Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;

28 Na nagsasabi tungkol kay (G)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (H)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.

45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (I)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (J)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

Ako'y magpapauna sa iyo, (K)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (L)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:

At ibibigay ko sa iyo ang mga (M)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (N)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (O)Dios ng Israel.

Dahil sa Jacob na (P)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (Q)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.

Ako ang Panginoon, (R)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,

Upang kanilang maalaman (S)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (T)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.

Efeso 5:1-14

Kayo (A)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;

At magsilakad kayo sa pagibig, (B)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (C)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Nguni't ang (D)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;

O (E)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.

Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (F)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (G)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (H)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (I)sa mga anak ng pagsuway.

Huwag kayong makibahagi sa kanila;

Sapagka't noong panahon (J)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (K)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (L)anak ng kaliwanagan

(Sapagka't (M)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),

10 Na inyong pinatutunayan (N)ang kinalulugdan ng Panginoon;

11 At huwag kayong makibahagi sa (O)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;

12 Sapagka't ang mga bagay na (P)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.

13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.

14 Kaya sinasabi niya, (Q)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

Marcos 4:1-20

At siya'y (A)muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa (B)isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.

At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,

Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:

At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.

At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:

At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.

At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga.

At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.

At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

10 At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.

11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang (C)nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:

12 (D)Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.

13 (E)At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?

14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.

15 At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.

16 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;

17 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.

18 At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita,

19 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.

20 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978