Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.
45 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat (A)ng bihasang manunulat.
2 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
(B)Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
3 Ibigkis mo ang iyong (C)tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong (D)kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
4 At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng (E)kakilakilabot na mga bagay.
5 Ang iyong mga (F)palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
6 (G)Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 (H)Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo (I)ng langis
Ng langis (J)ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
8 Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
9 (K)Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
(L)Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may (M)ginto sa Ophir.
10 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
(N)Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na (O)may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay (P)mamamanhik ng iyong lingap.
13 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14 Siya'y ihahatid sa hari na (Q)may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
(R)Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
47 Oh (A)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (B)ay kakilakilabot;
(C)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
3 (D)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4 Kaniyang ipipili tayo (E)ng ating mana,
(F)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5 (G)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7 Sapagka't ang Dios (H)ay Hari ng buong lupa:
(I)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8 (J)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (K)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.
Awit; Salmo ng mga anak ni Core.
48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(L)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (M)banal na bundok.
2 (N)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (O)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(P)Na bayan ng dakilang Hari.
3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (Q)nangagmadaling tumakas.
6 (R)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 (S)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
8 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (T)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(U)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
9 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (V)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (W)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (X)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (Y)patnubay hanggang sa kamatayan.
Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.
12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (A)Ako nga; (B)ako ang una, ako rin ang huli.
13 Oo, ang aking kamay ay siyang (C)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.
14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (D)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (E)Siyang iniibig ng Panginoon ay (F)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (G)Caldeo.
15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (H)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.
16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (I)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (J)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.
17 Ganito ang sabi ng (K)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (L)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:
19 Ang (M)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (N)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (O)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (P)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (Q)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
18 Nang makaraan nga ang (A)tatlong taon (B)ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.
19 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, (C)maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling.
21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng (D)Siria at (E)Cilicia.
22 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na (F)pawang kay Cristo.
23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;
24 At (G)kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.
2 Nang makaraan nga ang labing-apat na taon (H)ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si (I)Bernabe, at isinama ko rin naman si (J)Tito.
2 At ako'y umahon (K)dahil sa pahayag; (L)at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, (M)baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3 Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi (N)napilit na patuli.
4 At yaon ay dahil sa mga (O)hindi tunay na kapatid na (P)ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming (Q)kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, (R)upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:
5 Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.
6 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman)—silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
7 Kundi bagkus (S)nang makita nila na (T)sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli
8 (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay (U)naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);
9 At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay (V)Bernabe ni (W)Santiago at ni (X)Cefas at ni Juan, sila na mga (Y)inaaring (Z)haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;
10 Ang kanila lamang hinihiling (AA)ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.
6 At umalis siya doon; (A)at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
2 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay?
3 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
4 At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay.
5 At (B)hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila.
6 At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.
7 At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, (C)at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu;
8 At ipinagbilin niya sa kanila (D)na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot;
9 Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika.
10 At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon.
11 At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila.
12 At sila'y nangagsialis, at (E)nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao.
13 At nangagpalabas ng maraming demonio, (F)at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978