Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 121-123

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
(H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (I)sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (J)siksikan:
(K)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(L)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
(M)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
(N)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(O)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(P)Hahanapin ko ang iyong buti.

Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

123 Sa iyo'y (Q)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (R)na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (S)kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(T)Ng duwahagi ng mga (U)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.

Mga Awit 131-132

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong (E)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (F)Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
(G)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
(H)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, (I)narinig namin (J)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
(K)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
(L)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (M)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(N)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (O)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (P)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (Q)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (R)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Isaias 63:1-5

Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.

63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (A)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.

Bakit ka mapula sa (B)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?

Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (C)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

Sapagka't ang kaarawan (D)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (E)aking mga tinubos ay dumating.

At ako'y lumingap, at (F)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (G)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.

Apocalipsis 2:18-29

18 At (A)sa anghel ng iglesia sa (B)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (C)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa't (D)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (E)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang (F)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (G)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (H)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (I)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (J)ako'y pumariyan.

26 (K)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (L)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (M)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya'y ibibigay ko (N)ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Juan 5:1-15

Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem.

Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko.

Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga[a]natutuyo.

At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit.

Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling?

Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, (A)Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. (B)Noon nga'y araw ng sabbath.

10 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at (C)hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.

11 Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

12 Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?

13 Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon.

14 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: (D)huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.

15 Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978