Book of Common Prayer
Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.
ALEPH.
119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
2 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
3 (B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
4 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
5 Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
6 (C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
7 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
BETH.
9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (D)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(E)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (F)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (G)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
GIMEL.
17 (H)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (I)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (J)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(K)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (L)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(E)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(F)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4 (G)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (H)pagka ako'y nakilos.
5 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako'y aawit sa Panginoon,
(I)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
14 (J)Ang (K)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(L)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(M)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 (N)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(O)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(P)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (Q)kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (R)sa Sion!
Kung (S)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Magtitindig ng tagapagligtas.
41 (A)Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh (B)mga pulo; at (C)mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.
2 Sinong nagbangon ng isa na (D)mula sa silanganan, (E)na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.
3 Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa.
4 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? (F)Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,
5 Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.
6 Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang.
7 Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi (G)ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, (H)upang huwag makilos.
Ang Israel ay tiniyak na tutulungan ng Panginoon.
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking (I)pinili, na binhi ni Abraham na (J)aking kaibigan;
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
10 Huwag kang matakot, (K)sapagka't ako'y (L)sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo (M)ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.
13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, (N)Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
14 (O)Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang (P)iyong Manunubos ay ang (Q)Banal ng Israel.
15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.
16 Iyong pahahanginan, (R)at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, (S)ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.
2 At kayo'y binuhay niya, (A)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran (B)noong una ayon sa (C)lakad ng sanglibutang ito, ayon (D)sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa (E)mga anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa (F)mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at (G)tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:—
4 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5 Bagama't (H)tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, (I)tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
6 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya (J)sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
8 Sapagka't sa biyaya (K)kayo'y nangaligtas (L)sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, (M)ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, (N)upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, (O)na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
29 (A)At paglabas nila (B)sa sinagoga, ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres, na kasama si Santiago at si Juan.
30 Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon; at pagdaka'y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya:
31 At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay, at siya'y itinindig; at inibsan siya ng lagnat, at siya'y naglingkod sa kanila.
32 At nang kinagabihan, (C)paglubog ng araw, ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit, at ang mga inaalihan ng mga demonio.
33 At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan.
34 At (D)nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit, at nagpalabas ng maraming demonio; (E)at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio, sapagka't siya'y kanilang kilala.
35 At (F)nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, (G)at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin.
36 At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya;
37 At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat.
38 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; (H)sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito.
39 At siya'y pumasok (I)sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio.
40 (J)At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.
41 At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka.
42 At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis.
43 At siya'y kaniyang pinagbilinang mahigpit, at pinaalis siya pagdaka,
44 At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila.
45 Datapuwa't siya'y umalis, at (K)pinasimulang ipamalitang mainam, at ipahayag ang nangyari, ano pa't hindi (L)na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan, kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang: (M)at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978