Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 87

Salmo ng mga anak ni Core; Awit.

87 Ang kaniyang (A)patibayan ay (B)nasa mga banal na bundok.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(C)Oh bayan ng Dios. (Selah)
Aking babanggitin ang Rahab (D)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (E)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

Mga Awit 90

IKAAPAT NA AKLAT

Dalangin ni Moises na lalake ng Dios.

90 (A)Panginoon, (B)ikaw ay naging tahanang dako namin
Sa lahat ng sali't saling lahi.
(C)Bago nalabas ang mga bundok,
O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan,
Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao;
At iyong sinasabi, (D)Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
(E)Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin
Ay parang kahapon lamang nang makaraan,
At parang pagpupuyat sa gabi.
Iyong dinadala sila na parang baha; (F)sila'y parang pagkakatulog:
Sa kinaumagahan ay (G)parang damo sila na tumutubo.
(H)Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago;
Sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit,
At sa iyong poot ay nangabagabag kami.
(I)Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo,
(J)Ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot:
Aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
10 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon,
O kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon;
Gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang;
Sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit,
At ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
12 (K)Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan,
Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
13 (L)Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa?
At (M)iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
14 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob;
Upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
15 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin,
At sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
16 (N)Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod,
At ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 (O)At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios:
At (P)iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.

Mga Awit 136

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Sa kaniya na (C)gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(D)Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(E)Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(F)Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng araw upang magpuno sa araw:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
10 (G)Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
11 (H)At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
12 (I)Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
13 (J)Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
15 (K)Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
16 (L)Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
17 (M)Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
18 (N)At pumatay sa mga bantog na hari:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
19 (O)Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
20 (P)At kay Og na hari sa Basan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
21 (Q)At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
22 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na (R)kaniyang lingkod:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
23 (S)Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
25 (T)Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Genesis 47:27-48:7

27 At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa (A)lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pagaari roon, (B)at pawang sagana at totoong dumami.

28 At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.

29 (C)At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, (D)isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, (E)at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; (F)isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto:

30 Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at (G)ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi.

31 At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. (H)At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan.

Mga huling araw ni Jacob.

48 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim.

At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan.

At sinabi ni Jacob kay Jose, (I)Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.

At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na (J)pinakaari magpakailan man.

(K)At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay (L)akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.

At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.

At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay (M)namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).

1 Corinto 10:1-13

10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;

At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;

At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;

At (D)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (E)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.

Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (F)gaya naman nila na nagsipagnasa.

Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (G)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.

Ni huwag din naman tayong (H)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (I)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (J)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (K)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.

11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (L)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

12 Kaya't (M)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (N)tapat ang Dios, (O)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

Marcos 7:1-23

At (A)nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem,

At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay (B)ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi (C)hinugasan.

(Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda;

At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)

At siya'y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba, Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali't-saling sabi ng matatanda, kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal?

At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat,

(D)Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi,
Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.

Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.

At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.

10 Sapagka't sinabi ni Moises, (E)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, (F)Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:

11 Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin (G)ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios;

12 Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;

13 Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.

14 At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain:

15 Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa[a]tao.

17 At (H)nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.

18 At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;

19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.

20 At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.

21 Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,

22 Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:

23 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978